PUVs PUWEDE NANG GAMITIN SA KAMPANYA

Public Utility Vehicles

NILINAW kahapon ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB)  na maaaring magamit ng mga politiko ang naglipanang Public Utility Vehicles (PUVs) sa kanilang kampanya.

Ayon sa LTFRB, maaring magkabit o maglagay ng political advertisement sa PUVs ang mga politiko o political parties para sa kanilang pangangampanya kaugnay sa nalalapit na May midterm election.

Nilinaw rin LTFRB na maari ito basta’t hindi na­lalabag ang rules and  regulations ng Commission on Elections (Comelec) pagdating sa election propaganda.

Gayundin, maaari lamang magamit o maglagay sa public utility jeepneys (PUJs), public utility buses (PUBs), at mga taxi.

Maliban sa mga alituntunin ng Comelec, dapat ay pumasa muna sa requirements at guidelines sa transit advertisement ng LTFRB.

Ang sinumang luma­bagay mapapatawan ng minimum penalty fee na P10,000 at maximum punishment na pag-alis ng kanilang prangkisa.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.