HABANG unti unting nagbubukas na ang ekonomiya at sektor ng turismo ay nais ng pamahalaan na tiyaking mahigpit na naipatu- tupad ang lahat ng healthy safety protocols upang hindi madagdagan ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.
“The President’s marching order is to gradually reopen the economy, including the tourism sector, with the assurance that health and safety measures are in place,” sabi ni Roque.
Ayon kay Roque, ang national government sa pamamagitan ng Department of Tourism ay nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang local government units upang matukoy kung kailan maaaring simulan ang tourism operations sa kani-kanilang mga lugar.
Ngayong buwan ay nakatakdang buksan ng Baguio City ang kanilang turismo sa mga nagnanais na bumisita sa kanilang lungsod.
Si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang siya ring tracing czar ng pamahalaan sa mga COVID-19 patient.
“We must, however, emphasize that there must be proper and close coordination between the national government and the LGUs regarding the implementation of health and safety protocols when traveling,” sabi pa ni Roque.
Nang magdeklara ang pamahalaan ng lockdown sa iba’t ibang panig ng bansa noong Marso, ang sektor ang turismo ang siyang pinakamalaking naapektuhan nito.
Noong 2019, ang industriya ng turismo ay nakapag-ambag ng 12.7 porsiyento sa pambansang gross domestic product at ang tourism-related employment naman ay nakapagbigay ng 5.7 milyong trabaho noong nakaraang taon.
Samantala, mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (September 4), umabot na sa 232,072 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Filipinas, 67,786 ang aktibong kaso.
MAY 3,714 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 habang 49 ang napaulat na nasawi habang 1,088 naman ang gumaling pa kaya umakyat na sa 160,549 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.