(Puwedeng i-require ng mga establisimiyento) FACE SHIELD SA WORKERS, CUSTOMERS

NILINAW kahapon ng Malacañang na may opsiyon ang mga establisimiyento na i-re- quire ang kanilang mga empleyado at customer na magsuot ng face shields.

Sa isang press briefing, sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na inamyendahan ng COVID-19 task force ang memorandum na inilabas noong Lunes ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na nagsasabing ang paggamit ng face shield ay voluntary lamang para sa mga lugar na nasa ilalim ng  Alert Levels 1, 2, at 3.

“With regard to the voluntary use of face shields for areas under Alert Levels 3 to 1, it is hereby clarified that the same is without prejudice to employers still requiring their use for their employees/workers and/or customers in their respective premises,” nakasaad sa resolution ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na inaprubahan noong Huwebes.

“Moreover, all issuances of the national government agencies inconsistent with the Memorandum of the Executive Secretary dated 15 November 2021, on Protocols on the Use of Face Shields, shall be considered as amended and/or modified accordingly.”

Nauna nang inatasan ni Nograles ang mga pribadong establisimiyento na sumunod sa kautusan ng Palasyo.

“For establishments, they’ll have to follow the protocols that state that it’s purely voluntary for the users of face shields,”ani Nograles noong Martes.

Matagal nang kinukuwestiyon ng ilang mambabatas at eksperto ang pagsusuot ng face shield dahil wala namang anilang ebidensiya na nakatutulong ito para mabawasan ang panganib ng pagkahawa sa COVID-19.