SA gitna ng nararanasang tensiyon sa West Philippine Sea kaugnay sa mga pinag- aagawang territory ay nakatakdang palakasin pa ng Philippine Navy ang kanilang maritime capability at kinakailangang offshore defense capability sa pamamagitan ng muling pagsasa-aktibo ng kanilang tatlong refurbished signature multi-purpose attack craft (MPAC) .
Iprinisinta ng Propmech Corporation, isang pinagkakatiwalaang Filipino Shipbuilder sa mga kasapi ng Defense Press Corps ang tatlong Safehull Marine Technologies, Incang tatlong refurbished MPAC sa kanilang Global Industrial Park sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales kahapon.
Ang tatlong unit ng Navy MPAC ay sumasailalim sa repair, preventive maintenance at upgrading base sa mga detalye at pangangailangan ng Philippine Navy.
Ayon kay Propmech President at CEO Glenn Paul, hinirang ng Philippine Navy ang Safehull na siyang gumagawa ng MPAC upang mag-refurbish ng tatlong unit ng kanilang fast attack vessel noong nakaraang taon.
Ang battle tested na MPAC ay may record na daan-daang oras ng accomplished mission—mula sa mga labanan kontra-terorismo at pagtatanggol sa soberanya at pagbabantay sa mga teritoryo, hanggang sa mga rescue operation and logistic operation.
Nabatid na ang Safehull ay nagdidisenyo, nagkukumpuni at nagpapanatili ng mga sasakyang-dagat na ginagamit para sa depensa, sibilyan at komersyal na layunin.
Kabilang dito ang mga kagamitan sa landing craft tulad ng BRP Tagbanua ng Philippine Navy, ang pinakamalaking sasakyang pandagat na gawa sa Pilipinas; ang high-speed tactical watercraft ng Philippine National Police Maritime Group; ang mabilis na mga patrol craft ng Philippine Marines; at ang mga aluminum patrol boat ng Philippine Coast Guard.
Ang Safehull ay gumagawa rin ng mga sibilyan at komersyal na uri ng mga sea vessels, kabilang ang mga naserbisyuhan na yate, mga cargo ship at mga commercial passenger vessels.
Matatandaang nagdeklara ang Propmech Corporation isang marine solution provider na handa silang suportahan ang Plano ng Pilipinas na Maging “Maritime Capital of the World”
Ang Propmech Corporation, ay matagal ng tagasuporta ng gobyerno sa pagsisikap na pahusayin ang kakayahan ng Pilipinas sa pagtatanggol sa dagat, sumusuporta sa mga inisyatibo ng gobyerno gamit ang malawak nitong network , kasanayan, karanasan, , kadalubhasaan, at imprastraktura.
Ang Propmech Corporation na may napatunayang nang track record ay handang suportahan ang ambisyosong planong ito kasama ang napatunayang track record nito sa pagsuporta sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kabilang ang Navy, Coast Guard, Marines pati na rin ang Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng mga development at maintenance vessel na ginagamit sa iba’t ibang misyon.
Ang ilan sa mga sasakyang pandagat ay kinabibilangan ng LCU (Landing Utility Craft), isang sasakyang-dagat na idinisenyo para sa paglipat ng mga tropa, sasakyan, at kagamitan sa malalayong lugar; ang PNP at Marine high-speed attack crafts, Coast Guard aluminum patrol boats upang pangalanan ang ilan.
Sa ngayon, mayroong tatlong modelo ng MPAC at labindalawa nito ang nasa serbisyo ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Ang MPAC ay napatunayang isang maaasahang sasakyang-dagat na maraming kapabilidad na nagagamit sa iba’t ibang aplikasyon, kabilang dito ang mga opersyon kontra-terorismo at pagtatanggol sa teritoryo. VERLIN RUIZ