PUWERSA NG PNP SAPAT PARA SA INAGURASYON NI VP-ELECT SARA

DAVAO CITY- SAPAT ang puwersa na idedeploy ng PNP Region 11 para tiyakin na magiging payapa ang gagawing inagurasyon ni Vice President Elect Sara Duterte- Carpio sa lalawigang ito sa darating na Hunyo 19.

Ayon kay PNP Directorate for Operations director Major Gen. Valeriano De Leon may sapat na tauhan ang PNP region 11 para ideploy sa gagawing inagurasyon ng bagong Bise Presidente.

Aniya, magsu-supervise lamang sila para imonitor kung kakailanganin ba ng augmentation force mula sa PNP National Headquarters.

Hanggang sa ngayon, ayon kay Del Leon ay walang nakikitang pangangailan ang PNP para magkaroon ng augmentation force.

Dagdag pa nito, handa ang PNP region 11 sa pagbabantay mula sa trapiko hanggang intelligence monitoring.

Sa Hunyo19 gaganapin ang inagurasyon ni Vice President elect Sara Duterte Carpio na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilan pang kapamilya at mga kaibigan sa pulitika. REA SARMIENTO