PUYAT LUSOT SA CA

HALOS 15 minuto lamang ang itinagal at agad ipinasa ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang appointment ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Wala kasing oppositor si Puyat at wala na ring gaanong tanong ang mga miyembro ng lupon sa kalihim.

“I was reviewing. Parang feeling ko may exam ako. Parang kinakabahan ako. I did’nt expect it,” wika ni Puyat.

Matatandaang itina­laga si Puyat makaraang magbitiw si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kaugnay sa kasunduang ipinasok ng DOT na P60 milyong ad placement sa PTV-4 para sa programa ng kanyang kapatid.

Bago matalaga sa DOT, nagsilbi bilang agriculture undersecretary for administration, agribusiness at marketing.    VICKY CERVALES

 

Comments are closed.