PAPAGITNA ang mga batang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas (Feb. 9) sa Tanduay Athletics Volleyball Center sa Taguig City.
Kumpirmadong lalahok ang mga koponan mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro Manila sa libreng patorneo bilang bahagi ng grassroots sports development program ng PVF, sa pamumuno ni president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.
Tulad sa mga nakalipas na torneo at programa ng PVF at pamilya Cantada, libre ang partisipasyon at naghihintay ang libreng pagkain at inumin sa lahat ng kalahok para sa buong maghamong palaro.
Pangangasiwaan ang torneo ng mga opisyal at lisensiyadong referee at umpires ng PVF.
“No entry fees providing equal opportunities. Competent PVF licensed game officials providing fair and effective officiating. Sunday’s much awaited beach volleyball event promises to be a very exciting and entertaining as always,” pahayag ni Cantada.
May kabuuang 32 koponan — tig-16 sa boys and girls divisions — ang sasabak sa torneo na itinataguyod ng Toyota Marilao, VItaMilk at ni PVF Chairman at Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
Dahil sa matagumpay na kampanya sa 30th Southeast Asian Games, ang Wrestling Association of the Philippines (WAP) ay magpo-produce ng world-class athletes na magiging representatives ng ating bansa sa Olympics at iba pang international competitions.
“Filipinos, like most Asian wrestlers, have the talents to excel in this popular Olympic sport,” wika ni WAP president Alvin Aguilar.
“We are very confident that we have the talents to make it all the way to the Tokyo Olympics,” ani Aguilar sa 54th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na ginanap sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
“It’s about time we have another Filipino wrestler in the Olympics. If I remember it right, the last time nagkaroon tayo ng Filipino wrestler sa Olympics was in the 1950s pa,” paliwanag pa ni Aguilar, na nakasama sa forum sina jiu-jitsu champion May Masuda at SEA Games gold medallists Jason Baucas at si Noel Norada.
“After the SEA Games, marami tayong activities. We have the WAP Nationals 2020 at Festival Mall. This is the first time na sama-sama lahat ng events under wrestling – freestyle, Greco-Roman, women, grappling, kurash and others,” sabi pa ni Aguilar.
“Sa Asian Grappling , more than 30 countries are participating. Sa Under-23 naman, parang ito na ‘yung world championships dahil sasali yun mga talagang magagaling,” dagdag pa niya.
“We’re very happy that they chose the Philippines to host these events dahil maganda naman tayo magpatakbo ng mga tournament . We’re very hospitable at fair tayo.”
“Sa grappling, wala naman tumatalo sa atin sa Asia, so we’re going to get the overall championship. Saka ito ‘yung first time na makasali tayo sa lahat ng events dahil dito nga sa atin gagawin.”
Comments are closed.