PVL: 12 KOPONAN MAGHAHATAWAN

LALARGA ang ika-8 season ng Premier Volleyball League (PVL) sa Pebrero 20 na may 12-team lineup, kabilang ang dalawang bagong koponan.

Inihayag ni league president Ricky Palou ang kanyang pananabik sa darating na season, binigyang-diin ang pagkakapantay sa calendar ng world governing body upang tuloy-tuloy na mapagsama ang domestic at international volleyball events.

This year’s calendar is designed to align with the FIVB schedule, ensuring a seamless integration of international and domestic volleyball events. We are committed to delivering a world-class experience for our fans and players alike,” sabi ni Palou, na siya ring head ng organizing Sports Vision.

Sisikapin ng defending six-time champion Creamline na mapanatili ang dominasyon sa PVL All-Filipino Conference na may intact roster, habang pinalakas ng iba pang koponan, tulad ng two-time Reinforced Conference winner Petro Gazz at ng title-hungry Cignal, ang kani-kanilang lineups.

Ang iba pang koponan ay ang Choco Mucho, PLDT, Chery Tiggo, Akari, Nxled, Farm Fresh at Galeries.

Ang mga baguhang Capital1 at Strong Group ay nakahanda na ring gumawq ng impact sa kanilang debut season.

Ang 2024 season ay ilulunsad sa Miyerkoles, Peb. 14, sa Discovery Suites’ Columbus Room sa Ortigas.

Matapos ang All-Filipino Conference, idaraos ang Reinforced Invitational, na tatampukan ng foreign guest players habang hindi kasama ang national team members. Dalawang foreign teams ang magpapainit sa kumpetisyon.

Matapos ang break, ang pinakaaabangang 2024-25 All-Filipino Conference ay gaganapin sa Okt. 2024 hanggang Mayo 2025.