MULING nanalasa si Cuban import Wilma Salas nang makumpleto ng PetroGazz ang sweep sa first round sa pamamagitan ng 25-12, 29-27, 25-15 pagdurog sa PacificTown Army sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nagwagi ang Angels sa lahat ng kanilang limang laro upang mapatatag ang kapit sa liderato.
Pinangunahan nina Salas at American import Janisa Johnson ang opensa ng PetroGazz.
“I feel very good and happy because now we have a good opportunity for the next round. I think this is one step for the playoff [semis],” wika ni Salas.