PVL: 1ST WIN TARGET NG 3 KOPONAN

TINANGKANG umiskor ni Jannine Navarro ng Capital1 laban kina Fresh’s Rizza Cruz at Louie Romero ng Farm Fresh. PVL PHOTO

Standings            W  L

Choco Mucho         3    0
Cignal                       2    0
Creamline               2    0
PetroGazz                2     1
Chery Tiggo             2     1
PLDT                         2     1
Farm Fresh              1    1
Akari                         0    2
Nxled                         0    2
SGA                             0    2
Capital1                       0    2
Galeries Tower          0    2

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

4 p.m. – SGA vs Capital1

6 p.m. – Akari vs Farm Fresh

MAGHAHARAP ang Capital1 at Strong Group Athletics sa duelo ng mga baguhan sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries ngayong Martes sa Philsports Arena.

Isa lamang sa  Solar Spikers at SGA ang papasok sa win column sa 4 p.m. match.

Dadalhin ng Farm Fresh ang momentum ng kanilang panalo sa kanilang huling laro sa pagharap sa  winless subalit malakas na kalaban na Akari sa isa pang laro sa alas-6 ng gabi.

Sa pangunguna nina experienced players Jannine Navarro, Heather Guino-o, Kath Villegas at Shirley Salamagos, kasama sina young talents Syd Niegos at Ja Lana, gigil na ang  Capital1 na ipalita ang improvement sa kanilang laro..

Tulad sa Solar Spikers, isyu rin ang chemistry sa SGA, kung saan pangungunahan nina Dolly Verzosa, Justine Rebleza at Sheeka Espinosa ang pagtatangka ng young club sa unang panalo.

Makaraang simulan ang kanilang kampanya sa fighting four-set defeat sa defending champion Creamline, ang Farm Fresh ay bumawi sa 25-16, 25-18, 25-16 panalo kontra Capital1 noong nakaraang Huwebes.

Sina Trisha Tubu at Chinnie Arroyo ang magiging main offensive options ng Foxies.

Sa kabila ng pagkatalo sa kanilang unang dalawang laro, nananatiling kumpiyansa ang Chargers sa integration nina new players Grethcel Soltones at Ced Domingo sa sistema ng koponan.

Ang Akari ay magkasunod na natalo sa powerhouses Cignal at Creamline.

Sa pangunguna nina key players Dindin Manabat, Faith Nisperos at  Fifi Sharma, umaasa ang Chargers na makasusungkit na ng panalo kontra Foxies.