PVL: 2-0 SA CHERY TIGGO

Nagdiwang sina Jasmine Nabor at Shaya Adorador ng Chery Tiggo sa kanilang PVL 2nd All-Filipino Conference match kontra Galeries kahapon. PVL PHOTO

Mga laro bukas:
(Batangas City Sports Center)
4 p.m. – PetroGazz vs Gerflor
6 p.m. – Choco Mucho vs Farm Fresh

MAGAAN na dinispatsa ng Chery Tiggo ang baguhang Galeries Tower, 25-14, 25-15, 25-21, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Gumawa si Jasmine Nabor ng 14 excellent sets at nagdagdag ng 3 blocks at 2 service aces para sa Crossovers.
Nanguna si EJ Laure sa scoring para sa Chery Tiggo na may 15 points habang nag-ambag ang kanyang nakababatang kapatid na si Eya ng 12 points, kabilang ang 2 blocks.

Sa kabila ng back-to-back straight-set wins, ang Crossovers ay walang planong magkampante.

“Actually from last conference, hanggang ngayon, bilog talaga ang bola. We cannot be complacent,” sabi ni coach Aaron Velez, kung saan susunod na makakasagupa ng Chery Tiggo ang vastly-improved Akari sa Martes.

“We have to be disciplined. In the blink on an eye, puwedeng magbago. Kaya yung ginagawa namin, yung momentum ng mga panalo namin, dapat dumoble ang aral namin. In and outside of the court, kailangan yung discipline talaga, on point parati,” dagdag pa niya.

Sa kanyang ikalawang laro sa pagbabalik sa PVL, nagpakawala si Dimdim Pacres ng 11 kills.

Nalasap ng Highrisers ang ikalawang sunod na kabiguan makaraang yumuko sa PetroGazz, 11-25, 24-26, 21-25, noong nakaraang Martes.