Standings W L
Cignal HD 2 0
Creamline 2 0
Choco Mucho 1 1
PLDT 1 1
Army 1 1
PetroGazz 0 2
Chery Tiggo 0 2
Mga laro sa Martes:
(Filoil Flying V Centre)
2:30 p.m. – Choco Mucho vs Army
5:30 p.m. – PLDT vs PetroGazz
BUMAWI si Alyssa Valdez mula sa kanyang sub-par performance nang walisin ng Creamline ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-16, 25-21, para aa kanilang ikalawang sunod na panalo sa PVL Invitational Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nakaambang palawigin ng High Speed Hitters ang laro sa 17-13 third set lead sa ace ni Fiola Ceballos nang bumanat ang Cool Smashers ng 12-4 finishing run, kung saan tinapos ni Tots Carlos ang one-hour, 29-minute contest sa pamamagitan ng kill.
Makaraang umiskor lamang ng 8 points sa four-set win ng Creamline noong Martes, si Valdez ay nagpakita ng mas magandang offensive effort na may 13-of-28 spiking clip.
“I’m very thankful with this team. Kailangang bigyan ng tiwala ng sarili ko,” sabi ni Valdez, na nakakolekta rin ng team-best 11 digs.
Nanguna si Carlos para sa Cool Smashers na may 17 points at 8 digs, nagdagdag si Jema Galanza ng 12 points habang nag-toss si Jia de Guzman ng 18 excellent sets.
Ang Creamline, makakaharap ang Cignal HD sa Huwebes sa Sta. Rosa, Laguna, ay nanalo ng 10 sunod na laro magmula pa sa Open Conference.
“We didn’t expect to win in 3. PLDT has trained hard and its coaching staff has already put up a system since they’ve been playing together since last year,” sabi ni coach Sherwin Meneses. “They have improved a lot.”
Nagtala si Jules Samonte ng 10 points at 11 digs, habang nag-ambag si Fiola Ceballos ng 8 points at 21 receptions para sa High Speed Hitters.
“We expected PLDT to come out strong in the third, but coach told us to focus on our execution, especially in blocking,” ani Carlos.
Nahulog ang PLDT sa tie sa Choco Mucho at Army-Black Mamba sa 1-1
Kumana si Rhea Dimaculangan ng 15 excellent sets at napantayan ang dalawang blocks ni PLDT middle hitter Mika Reyes.