Standings W L
Creamline 2 0
Choco Mucho 1 0
Chery Tiggo 1 0
F2 Logistics 1 0
PLDT 0 1
PetroGazz 0 1
Akari 0 1
Cignal 0 2
Army-Black Mamba x x
Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Chery Tiggo vs Army-Black Mamba
6:30 p.m. – Akari vs F2 Logistics
MAGAAN na dinispatsa ng Creamline ang Cignal, 25-16, 25-21, 25-15, upang kunin ang maagang liderato sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Maliban sa second set kung saan ginawang kapana-panabik ng HD Spikers ang laban, ang Cool Smashers ay dominante sa one-hour, 24-minute match upang iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
“Tine-train namin kung paano maka-recover kapag nalalamangan kami, nahahabol. Kailangan focus pa rin sa game plan namin na maging maganda ang service receive namin,” sabi ni Creamline coach Sherwin Meneses.
“Siyempre, beterano ang team namin so alam nila kung paano maka-recover,” dagdag pa niya.
Hindi ininda ng Cool Smashers ang pagkawala ng kanilang lider na si Alyssa Valdez sa taglay na napakalaking sandata ng defending champions.
Muling pinangunahan ni Michele Gumabao ang Creamline na may 14 points, kabilang ang 2 blocks, at 8
digs, habang umiskor sina Jema Galanza at Tots Carlos ng tig-13 points.
Nagbigay si Cool Smashers setter Jia de Guzman ng 25 excellent sets at nagpakawala ng dalawang service aces habang nakakolekta si libero Kyla Atienza ng 20 digs.
“Overall, naging maganda ang galaw namin today. Sana magtuloy-tuloy,” sabi ni Meneses.
Nagbida si Ces Molina para sa Cignal na may 12 points habang nag-ambag si Chay Troncoso ng 6 points.
Nalasap ng HD Spikers, na na-outhit, 23-48, ang ikalawang sunod na kabiguan.