PVL: 3-0 TARGET NG 3 KOPONAN

UMAASA si libero Roma Mae Doromal na mag-step up sa Ateneo-DLSU rivalry match ngayong araw. UAAP PHOTO

Standings           W  L

Chery Tiggo       2    0
PLDT     2    0
Creamline         2    0
Choco Mucho  2    0
Cignal  1    0
PetroGazz          1    1
Farm Fresh        1    1
Galeries Tower 0    1
Akari                     0    2
Nxled   0    2
SGA                       0    2
Capital1              0    2

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

2 p.m. – Cignal vs Galeries Tower

4 p.m. – PetroGazz vs PLDT

6 p.m. – Chery Tiggo vs Choco Mucho

SUSUBUKAN ng Choco Mucho ang lakas ng Chery Tiggo sa inaasahang mainit na bakbakan sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong Biyernes sa Philsports Arena.

Umaasa si Sisi Rondina na ang kanyang koneksiyon kay Flying Titans new setter Mars Alba ay magbubunga ng maganda sa kanilang 6 p.m.clash sa Crossovers, sa kanilang pagtatangka para sa ikatlong sunod na panalo.

“I just told Mars to lift her head. If I’m in front, don’t worry if I make a mistake; it’s not your fault,” sabi ni Rondina, na nagtala ng 24 points at  22 receptions sa  24-26, 25-22, 25-18, 24-26, 15-13 panalo ng Choco Mucho kontra PetroGazz noong Martes.

Gumawa si Alba ng  25 excellent sets sa panalo laban sa Angels na nagresulta sa  balanced scoring effort, kung saan limang  Flying Titans players ang nagtala ng double digits.

Bagama’t aminado si Alba sa kanyang nagpapatuloy na adjustment sa koponan, batid ng dating  La Salle standout ang pangangailangan na makahabol at makasabay sa sistema ng Choco Mucho sa ilalim ni coach Dante Alinsunurin.

“I’m getting used to it, but I still feel lacking because I really need to catch up. I’m the only new one inside, so I need to catch up with their system and movements inside and connect more,” sabi ni Alba.

Ang Chery Tiggo ay wala ring talo sa dalawang laro at gagawin nito ang lahat para manatili sa top spot.

Inaasahan din ang mainit na salpukan sa 4 p.m. face-off sa pagitan ng PLDT at ng PetroGazz, ang unang paghaharap nina Fil-Canadian hitter Savi Davison at Fil-Am Brooke Van Sickle.

Target din ng High Speed Hitters ang ikatlong sunod na panalo at makisalo sa liderato, habang sisikapin ng Angels na makabawi mula sa five-set defeat sa Flying Titans noong Martes.

Bubuksan ang eksplosibong Saturday triple-bill ng  Cignal-Galeries Tower match sa alas-2 ng hapon.

Nasa kanilang ikalawang laro pa lamang sa season, ang HD Spikers ay nagwagi sa  High Speed Hitters sa tatlong sets noong nakaraang Peb. 22.

Sa kabila ng  dominant performances ng Crossovers laban sa dalawang bagong koponan sa liga, ang kanilang tunay na galing ay masusubukan laban sa  Flying Titans sa duelo ng firepower at defensive skills.

Muling sasandal si Chery Tiggo coach Kungfu Reyes sa core ng koponan, sa pangunguna nina Mylene Paat at setter Alina Bicar.