PVL: 3 KOPONAN SOSOSYO SA LIDERATO

PLDT’s Fil-Canadian hitter Savi Davison. PVL PHOTO

Standings            W  L

Chery Tiggo          2    0
PLDT          1    0
PetroGazz          1    0
Choco Mucho          1    0
Cignal          1    0
Creamline           1    0
Farm Fresh          0    1
Akari          0    1
Nxled          0    1
Galeries Tower          0    1
Capital1          0    1
SGA          0    2

 

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

4 p.m. – PLDT vs Nxled

6 p.m. – Choco Mucho vs PetroGazz

TATLONG koponan ang magtatangkang sumalo sa liderato sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa  Philsports Arena.

Target ng PLDT ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa  Nxled sa alas-4 ng hapon habang pakay rin ng title contenders Choco Mucho at  Petro Gazz na sumosyo sa top sppt sa walang larong Chery Tiggo sa 6 p.m. mainer.

Sisikapin ng High Speed Hitters na masundan ang kanilang  25-22, 25-6, 25-9 panalo kontra Galeries Tower noong nakaraang Huwebes, sa pangunguna ni  Fil-Canadian hitter Savi Davison.

Binigyang-diin ni coach Rald Ricafort ang kahalagahan ng magandang simula ngunit aminadong kailangan ng  PLDT ng patuloy na improvement upang makapasok sa podium ngayong conference makaraang magpalakas sa  off-season.

“Pinaka-gusto namin kunin is ‘yung naka-buwelo na kami nang maayos, ‘yung magkaroon lang ng good start. Pero maganda ‘yung performance (against the Highrisers) marami pa ring kailangang ayusin. Malalakas ‘yung teams, so every game talaga kailangan mag-improve pa,” sabi ni Ricafort.

Naging solid din si Jules Samonte sa opener, habang pinunan ni Fiola Ceballos ang butas na iniwan ni injured opposite spiker Kim Kianna Dy, isa sa bagong signees ng High Speed Hitters.

Maganda rin ang ipinakita nina new acquisitions Majoy Baron at Kim Fajardo, na tulad ni Dy ay dating F2 Logistics standouts, sa kanilang unang laro.

Sa kanilang season openers, dinomina ng Flying Titans ang Chameleons, 25-12, 25-22, 25-18, at magaan na dinispatsa ng  Angels ang newcomers Strong Group Athletics, 25-12, 25-20, 25-12.

Sumandal ang Choco Mucho,  runner-up sa Second All-Filipino Conference noong nakaraang taon, sa kanilang seasoned players sa panalo kontra  Nxled.

Subalit inaasahang magkakaloob si coach Dante Alinsunurin ng extended playing time sa bagong Flying Titans para masulit ang kanilang potensyal.

Sa kabila ng pagliban ni injured Deanna Wong, kuminang si playmaker Mars Alba na may 18 excellent sets sa kanyang Choco Mucho debut, na nagresulta sa magandang plays kina

Sisi Rondina, Kat Tolentino at Isa Molde.

Gayunman ay nagkaroon ng dagok sa kampanya ng Flying Titans dahil sa injury ni Aduke Ogunsanya, subalit inaasahan ang pag-step up ng iba pang middles Maddie Madayag at Cherry Nunag.

“Medyo malungkot dahil sa hanggang ngayon hindi namin alam kung ano ‘yung nangyari kay Aduke. Basta importante sa amin ngayon, kailangan lang talaga i-check kung ano ‘yung gagawin,” sabi ni Alinsunurin.

Pangungunahan ni Brooke Van Sickle, ang Angels ay determinado para sa isa pang panalo.

Bagama’t gumawa lamang si Van Sickle ng 7 points sa kanyang PVL debut, asahan na ilalabas ng Fil-Am spiker ang kanyang  A-game sa inaasahang challenging matchup laban sa Flying Titans.