Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
4 p.m. – Army-Black Mamba vs PetroGazz
6:30 p.m. – Chery Tiggo vs Akari
UMAASA ang PetroGazz at Cherry Tiggo na makuha ang kinakailangang bentahe sa karera para sa huling semifinals slot sa magkahiwalay na laro sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Makakaharap ng Angels ang wala pang panalong Army-Black Mamba sa alas-4:30 ng hapon, habang makakabangga ng Crossovers ang unpredictable Akari sa main game sa alas-6:30 ng gabi.
Makaraang walisin ang F2 Logistics, 25-23, 25-13, 25-23, noong Huwebes ng gabi, walang balak ang PetroGazz na magkampante kontra kulelat na katunggali.
Hindi pa nananalo ang Lady Troopers ngayong conference at sisikaping matikas na tapusin ang kanilang kampanya.
“Well, it’s the same (mindset). Even we win (three) games, we lost to Creamline, we lost to PLDT, I always tell my players keep on pushing. Keep the hustle and put the intensity all the time,” sabi ni Angels coach Oliver Almadro.
“What we need is to make ourselves, our team better every day. Irrelevant who is in front, who we will be playing against, I told them to keep on improving every day. I told them to focus on yourself first, fix ourselves, fix our team and be together all the time. Hopefully ma-bring namin yung momentum sa Army. No letting up so we have to really have to push more,” dagdag pa niya.
Tulad ng PetroGazz, ang Chery Tiggo ay may 3-2 record, isang laro ang angat sa No. 6 Choco Mucho (2-3) at 1 1/2 game sa seventh-running Cignal (2-4).