Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Nxled vs Capital1
6:30 p.m. – Akari vs Farm Fresh
ISANG linggo makaraan ang straight-set defeat sa powerhouse Creamline sa Ilocos Sur, sisikapin ng Akari na makabawi at muling kunin ang momentum sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
May pares ng four-set wins sa pagsisimula ng season, impresibo ang Chargers, subalit ang kanilang nakalipas na pagkatalo ay nag-udyok ng reassessment sa mga istratehiya bago ang kanilang 6:30 p.m. clash laban sa Farm Fresh Foxies ngayong Sabago sa Philsports Arena sa Pasig City.
Posibleng bumuo si head coach Taka Minowa ng bagong play patterns upang tugunan ang kanilang struggles, partikular sa pagkawala ni star scorer Grethcel Soltones.
Sa kanilang huling laro, si Erika Raagas ay nag-step up sa opensa na may 11 points, ngunit kailangan ng koponan ng mas malakas na performances mula kina Ivy Lacsina, Eli Soyud at Faith Nisperos, na determinadong makabawi makaraang magtala lamang ng pinagsama-samang 18 points laban sa Cool Smashers at umangat sa 2-1 record.
Para sa Foxies, ang matchup ngayong gabi ay isang pagkakataon para makuha ang kanilang unang panalo matapos ang back-to-back shutout losses sa Cignal HD Spikers at Petro Gazz Angels.
Nananatiling kumpiyansa si coach Benson Bocboc, muling sasandal kay consistent standout Trisha Tubu, na nagposte ng 15 at 14 points sa kanilang dalawang laro upang pangunahan ang koponan.
Gayunman, kakailanganin ng Foxies ang mas malaking suporta mula sa mga player tulad nina Louie Romero, Rizza Cruz at Alyssa Bertolano upang wakasan ang kanilang skid sa centerpiece tournament ng liga na inorganisa ng Sports Vision.
Sa opening game sa alas-4 ng hapon, maghaharap ang Nxled at Capital1, kapwa galing sa three-game losing streaks.
Inaasahang pangungunahan ng mga key player tulad nina Chiara Permentilla at Heather Guino-o ang kani-kanilang koponan sa inaasahang mainit na bakbakan.