TINANGKANG umiskor ni Brooke Van Sickle ng PetroGazz laban kina Apryl Tagsip at Cait Viray ng Farm Fresh sa kanilang laro sa PVL All-Filipino Conference kahapon. PVL PHOTO
Mga laro bukas:
(Santa Rosa Multipurpose Sports Complex)
2 p.m. – Creamline vs Chery Tiggo
4 p.m. – Capital1 vs Galeries Tower
6 p.m. – Akari vs Nxled
NAHILA ng PetroGazz ang kanilang winning run sa tatlong laro kasunod ng 25-21, 27-25, 25-19 pagwalis sa Farm Fresh sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena.
Nahaharap sa 21-24 deficit sa second set, nagpakita ng katatagan ang Angels sa pag-iskor ng anim sa huling pitong puntos, tampok ang kill ni Brooke Van Sickle mula sa back row upang kunin ang two-set lead.
May 4-1 record overall, ang PetroGazz ay nanatiling nakadikit sa defending champion Creamline, na undefeated sa apat na laro.
Nanguna si Van Sickle para sa Angels na may 26 points, kabilang ang 3 service aces at 3 blocks, at napantayan ang nine-dig effort ni libero Jellie Tempiatura’s
Nag-ambag si Jonah Sabete ng 11 points, kabilang ang 2 blocks, para sa PetroGazz.
Ang Angels ay nagpapakita ng enthusiasm sa kanilang bawat laro.
“You know PetroGazz naman, talagang trabaho. As a professional, this is work. Business. So iyon talaga, doon lang talaga kami naka-focus. Kung ano ang purpose namin, we are here,” sabi ni Sabete.
Nakakuha ang Angels ng 6 points kay Remy Palma habang nagdagdag si Joy Dacoron ng 5 points bago pinalitan ni KC Galdones sa third set.
Nahulog ang Foxies sa 2-3. Humataw si Rizza Cruz ng 11 points sa 9-of-18 attacks habang nag-ambag si Trisha Tubu ng 8 points para sa Farm Fresh. Gumawa si setter Louie Romero ng 13 excellent sets at nakakolekta ng 7 digs.
Susunod na makakaharap ng PetroGazz ang Chery Tiggo sa Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.