Standings W L
PetroGazz 4 1
Cignal 4 1
Creamline 4 1
Choco Mucho 4 1
PLDT 4 1
Chery Tiggo 3 2
Akari 2 3
Farm Fresh 2 3
Capital1 1 4
Nxled 1 4
Galeries Tower 1 4
Strong Group 0 5
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – Creamline vs Capital1
6 p.m. – Chery Tiggo vs PetroGazz
UMAASA ang defending champion Creamline na maibalik ang kanilang dating napakainit na porma laban sa debutants Capital1 sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries ngayong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.
Bagama’t ang Cool Smashers ay pinapaboran laban sa Solar Spikers sa kanilang 4 p.m. duel, nais makita ni skipper Alyssa Valdez kung paano tutugon ang kanyang koponan sa masaklap na pagkatalo.
Naputol ang 19-match winning streak ng Creamline sa 18-25, 24-26, 23-25 defeat sa Chery Tiggo noong Sabado sa Santa Rosa, Laguna.
Ang stunning victory ng Crossovers ay nagbigay ng pagkakataon sa Cool Smashers na i-reassess ang kanilang istratehiya at mag-regroup para sa mga darating pang hamon.
“Having this loss now gives us a chance to reflect and make necessary adjustments,” sabi ni Valdez.
“It’s a wake-up call for us to stay focused and not become complacent. There’s still a lot of volleyball to be played, and we’re determined to bounce back stronger,” dagdag pa niya.
Ang Creamline ay nakaipit sa five-way logjam sa first place sa 4-1 kasama ang PetroGazz, Cignal, Choco Mucho at PLDT.
Umaasa naman ang Capital1 na makabawi mula sa 25-17, 20-25, 25-20, 19-25, 10-15 loss sa Galeries Tower noong Sabado.
Galing sa pinakamalaking panalo magmula noong 2021 Bacarra, Ilocos Norte bubble kung saan nakopo nito ang unang PVL championship, batid ng Chery Tiggo na may kanya-kanyang target ang iba pang mga koponan sa liga.
Umaasa ang Crossovers, na hindi nalalayo sa mga lider sa 3-2, na mapatumba ang isa pang preseason favorite sa katauhan ng Angels sa 6 p.m. mainer.
Binigyang-diin ni Eya Laure, na bumubuo sa 1-2 punch ng Chery Tiggo kasama si Mylene Paat, ang kahalagahan ng pagkakaisa.
“Teamwork lang. Isa rin naman yun sa mga dreams din namin na sana kung merong mga naka-pink, kahit papano i-achieve naman na kalahati next time,” ani Laure.
Sasandal ang PetroGazz, nanalo ng tatlong sunod, kina Brooke Van Sickle, ang second best scorer ng liga sa likod ni Sisi Rondina at No. 1 sa service department, at Jonah Sabete, na nakukuha ang tiwala ni Japanese coach Koji Tsuzurabara.