IPAPARADA ng Galeries Tower si 22-year-old Brazilian outside hitter Monique Helena bilang kanilang import sa Premier Volleyball League Reinforced Conference.
Si Helena ay dumating sa bansa noong Huwebes ng gabi.
Ito ang unang pagkakataon na lalaro si Helena overseas kung saan maglalaro siya para sa Galeries Tower na nagtatangka ng breakthrough sa kanilang ikatlong conference sa PVL.
Si Helena ay naunang naglaro para sa maraming Brazilian clubs, kung saan sinimulan niya ang kanyang career sa Lavras Volei noong 2017.
Kinuha rin ng Highrisers sina free agents Roselle Baliton at Shannen Palec sa conference.
Wala na sina Shola Alvarez at Norielle Ipac, na lumipat na sa Capital1 kasama sina Iris Tolenada at Yumi Furukawa.
Ang Galeries Tower ang pipili third overall sa PVL Rookie Draft sa July 8.
Ang Highrisers ay galing sa 10th-place finish sa 2024 All-Filipino Conference na may 3-8 record.
Nasa roster din ng koponan sina Roma Joy Doromal, Dimdim Pacres, Ysa Jimenez, Carly Hernandez, France Ronquillo, Raprap Aguilar, Fen Emnas at libero Alyssa Eroa.