Mga laro sa Martes:
(University of San Agustin Gym, Iloilo)
4 p.m. – Chery Tiggo vs PetroGazz
6:30 p.m. – Akari vs Creamline
NAKAMIT ng F2 Logistics ang breakthrough sa Premier Volleyball League nang makopo ang isa sa dalawang nalalabing All-Filipino Conference semifinals slots sa 25-15, 20-25, 25-20, 25-13 pagbasura sa Army-Black Mamba kagabi sa Filoil EcoOil Centre.
Sa kabila na naglaro na wala si Myla Pablo, tinapos ng Cargo Movers ang kanilang elimination round campaign sa 6-2, ngunit wala pang final ranking.
“I’m happy because I’m part of this. Maybe it’s one of the… naka-lista na siya para sa F2 history and PVL history and I’m happy that I’m all with these girls because they have been working hard, all of us have been working hard for this,” sabi ni first-year coach Regine Diego.
“Nandito na kami sa isa naming goal, hopefully we can achieve more,” dagdag pa niya.
Nanguna si Kim Kianna Dy para sa Cargo Movers na may 22 points, kabilang ang 3 service aces.
Hindi pa tapos ang F2 Logistics at umaasa si Dy na maiaangat pa ng kanyang koponan ang level of play sa krusyal na bahagingb ito ng season.
“We still have a lot of improve on. But we are very excited,” sabi ni Dy.
Kumubra si Aby Maraño ng 4 blocks para sa 13-point outing habang si Elaine Kasilag ang isa pang Cargo Mover sa twin digits na may 10 points.
Kumana si Kim Fajardo ng 4 service aces at nagbigay ng 23 excellent sets habang nakakolekta si libero Dawn Macandili ng 32 digs at 13 receptions.