PVL: CHERY TIGGO NAKAHIRIT NG GAME 3

pvl

SUMANDIG ang Cherry Tiggo kay Jaja Santiago upang maitakas ang straight sets victory kontra Choco Mucho Flying Titans sa Game 2 ng kanilang semifinals series, Lunes sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Kinamada ni  Santiago ang huling apat na puntos ng Crossovers sa 25-18, 25-22, 26-24 panalo laban sa Flying Titans upang itabla ang kanilang best-of-3 series sa 1-1.

Gaganapin ang do-or-die Game 3 ngayong Martes sa kaparehong venue sa Ilocos Norte venue.

Ang nilaro ng Crossovers ay kabaligtaran sa Game 1 kung saan nanalasa ang koponan sa service line at naging matatag para mapigilan ang paghahabol ng Choco Mucho.

Nanguna si Santiago para sa Crossovers na may 13 points mula sa 8  attacks, 3  aces, at 2 kill blocks.

Kumana naman ang kanyang nakatatandang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat ng game-high 19 points sa 16 attacks at 3  aces, habang nagdagdag si Mylene Paat ng 10 markers.

“Choco Mucho gave us a good fight,” wika ni Chery Tiggo coach Aaron Velez. “They’re very aggressive. I just want to emphasize to the ladies that they just need to be confident.”

“They poured their hearts out for this match,” dagdag pa niya.

4 thoughts on “PVL: CHERY TIGGO NAKAHIRIT NG GAME 3”

  1. 430457 990910This is a good weblog i need to say, typically i don????t post comments on others???? blogs but would like to say that this post genuinely forced me to do so! 777049

  2. 911637 268344I truly appreciated this amazing blog. Make confident you maintain up the excellent work. All the best !!!! 983709

Leave a Reply

Your email address will not be published.