PVL: CHERY TIGGO UMALSA SA PETRO GAZZ

PVL

HINDI na pinaporma ng Chery Tiggo ang Petro Gazz sa ikatlong set para makopo ang 25-18, 25-20, 25-22 panalo sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference noong Linggo ng gabi sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nagbabanta ang Angels na maipuwersa ang fourth set nang makakuha ang Crossovers ng tsansa para mahabol ang 15-17 iskor at maitabla ang laban sa 20-all, tampok ang spike ni Maika Ortiz.

Nailista ng Chery Tiggo ang ikalimang panalo sa pitong laro at matikas na follow-up sa impresibong panalo laban sa Creamline, na pinagbibidahan ni Jaja Santiago para makopo ang No. 3 slot sa likod ng Choco Mucho (5-0) at Creamline (5-1).

Bagsak ang Angels sa 4-2.

Sunod na haharapin ng Chery ang Black Mamba Army sa Miyerkoles bago tapusin ang kampanya sa elimination laban sa Choco Mucho sa Linggo.

Tumapos si Santiago na may 20 puntos, kabilang ang 16 attacks at tatlong blocks, habang kumana si Dindin Manabat ng 12 hits .

Samantala, tatangkain ng Choco Mucho na makuha ang top seeding sa susunod na round sa pakikipagtuos sa Black Mamba Army sa ala-1 ng hapon, habang maghaharap ang Creamline at Cignal HD sa alas-6 ng gabi,

Mapapanood ang mga laro nang live sa One Sports (Free to Air), at One Sports+ (Pay TV) .

Nagwagi naman ang  PLDT Home Fibr sa Perlas, 25-22, 25-20, 25-21 para sa unang panalo sa limang laro.

Nakaungos din ang Sta. Lucia sa Perlas, 5, 25-12, 25-14, para sa ikatlong sunod na panalo. EDWIN ROLLON

5 thoughts on “PVL: CHERY TIGGO UMALSA SA PETRO GAZZ”

  1. 156246 376359This was an incredible post. Really loved studying your website post. Your data was very informative and beneficial. I believe you will proceed posting and updating often. Searching forward to your subsequent 1. 894610

  2. 272814 3663Soon after study several of the weblog articles for your internet internet site now, and i also genuinely such as your strategy for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls take a look at my internet page in addition and tell me what you believe. 387548

  3. 68161 92616Outstanding post, I conceive web site owners should learn a whole lot from this weblog its real user pleasant. 528162

Leave a Reply

Your email address will not be published.