PVL: CHERY TIGGO WINALIS ANG FARM FRESH

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
3 p.m. – Chery Tiggo vs Galeries
5 p.m. – PLDT vs Akari
7 p.m. – Choco Mucho vs Farm Fresh

NAGING matatag ang Chery Tiggo sa bawat set upang gapiin ang Farm Fresh, 25-21, 25-23, 25-22, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Premier Volleyball League 2nd All-Filipino Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagtala ang magkapatid na EJ at Eya Laure ng pinagsamang 27 points habang nag-ambag si Cess Robles, na pumasok sa laro bilang substitute sa second set, ng 10 points.

“I’m just happy that the players are healthy,” sabi ni Chery Tiggo coach Aaron Velez.

“I think, medyo slow start kami noong third, but because of their determination, nagkakaroon rin kami ng jelling.

Naitawid namin yung third set, thank you sa mga players na nag-push,” dagdag pa niya.

Naghahabol sa 21-24 sa second set, isang kill ni Trisha Tubu miscommunication sa pagitan nina Jasmine Nabor at Pauline Gaston ang nakatulong para maisalba ng Foxies ang dalawang set points.

Pagkatapos ay bumanat si Robles ng isang cross-court kill upang bigyan ang Crossovers ng 2-0 set advantage.

Nagpapasalamat si Eya Laure at nagawang magwagi ng Chery Tiggo sa kabila ng 18-10 lead ng Farm Fresh sa third set.

“At least doon din nate-test ‘yung character as a whole team. Ayaw naming matalo sa match with the help of the instructions ng mga coaches and each and every one of us yung effort,” sabi ni Eya Laure.

Nanguna si Tubu para sa Foxies na may 15 points habang nagtala si Jade Gentapa ng 2 blocks para sa 10-point outing.