Mga laro sa Martes:
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – Cignal vs Akari
6:30 p.m. – Choco Mucho vs Creamline
NALUSUTAN ng Chery Tigo ang pagkatalo sa second set upang maitakas ang 25-21, 23-25, 25-16, 25-12 panalo kontra Army Black Mamba at manatiling walang talo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Philsports Arena.
Kumana si Mylene Paat ng solid all-around game na may 26 points, kabilang ang 4 blocks, at 12 digs para sa Crossovers na umangat sa 2-0 sa kaagahan ng season.
Kasalo ang Creamline sa ibabaw ng standings, ang Choco Mucho ay nagdadahan-dahan sa kanilang pagtatangkang bumawi mula sa ka kabiguan noong nakaraang taon.
Madaling maarok ni coach Aaron Velez ang ipinakita ng Crossovers’ sa kanilang unang dalawang laro. Bago tinalo ang Army, winaliw ng Chery Tiggo ang Cignal noong nakaraang Martes.
“Depende rin kasi sa perspective. Sabi ko nga, if we are going to consider them in that perspective, dapat mag-double kami ng time. Pero if we are going to use that as a tool or a medium for us to prepare for the next coming games, so it’s really also the mindset and preparation, regardless kung sino,” sabi ni Velez.
“It’s really more on the ingredients, the factors for us to really make our team buo,” dagdag pa niya.
Nagbuhos si EJ Laure ng 12 points, kabilang ang tatlong service aces, nagpakawala si Cza Carandang ng 12 kills habang gumawa si setter Alina Bicar ng 13 excellent sets na sinamahan ng 2 aces para sa Chery Tiggo.
Making her Crossovers debut after sitting out against the HD Spikers, Ponggay Gaston made her presence felt with eight points and seven receptions.
Nanguna si Honey Royse Tubino para sa Lady Troopers na may 16 points, kabilang ang 2 service aces, at 15 receptions, habang nag-ambag si Nette Villareal ng 15 points.