Standings W L
*Creamline 10 0
*Choco Mucho 9 1
*Chery Tiggo 8 2
Cignal 7 3
PLDT 6 4
PetroGazz 6 4
Akari 5 6
F2 Logistics 4 7
Nxled 3 7
Farm Fresh 2 8
Galeries Tower 1 9
Gerflor 0 10
*semifinals
Mga laro ngayon:
(University of San Agustin Gym)
4 p.m. – Nxled vs Farm Fresh
6 p.m. – Chery Tiggo vs Choco Mucho
TARGET ng Choco Mucho na tapusin ang kanilang best preliminary round campaign sa kasaysayan ng koponan sa isa pang panalo sa pagsagupa sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference ngayong Sabado sa University of San Agustin Gym sa Iloilo City.
Bagama’t wala nang nakataya sa kanilang huling laro sa prelims maliban sa ranking, asahan ang paglipad ng Flying Titans upang mahila ang kanilang winning streak sa 10 laro sa 6 p.m. duel sa Crossovers.
Sa unang laro ay magsasalpukan ang also-rans Nxled at Farm Fresh sa huling PVL on Tour ng taon sa alas-4 ng hapon.
Makaraang yunuko sa Creamline, 18-25, 16-25, 26-24, 21-25, noong nakaraang Oct. 15, ang Choco Mucho ay hindi pa natatalo makaraang tuluyang yakapin ng mga player ang sistema ni first-year coach Dante Alinsunurin.
Ang impresibong winning run ay nagbigaiy sa Flying Titans ng kanilang unang semifinals stint magmula sa Open Conference noong nakaraang taon at determinadong umabante sa finals sa pangunguna nina Sisi Rondina at Deanna Wong.
“We’ve been waiting for this for so long, honestly. Choco Mucho has been around for four, almost five years, and reaching the semifinals has always been part of the goal,” sabi ni middle blocker Bea de Leon.
Nakapokus ang Flying Titans sa paghahanda para sa mas mabigat na laban sa Final Four.
“It’s been a bit hazy in the middle, but now that we see it, we’re not counting on other teams to lose. We’re not tallying points and hoping for others to falter. People are asking us if we’re choosing our opponent, and we’re not. We’re just incredibly happy to be here, experiencing the highs and lows together. We’re just thankful to be in this position,” sabi ni De Leon.
Samantala, umaasa ang Chery Tiggo na makaiwas sa two-match losing streak na maaaring makaapekto sa kanilang spirits papaso sa Final Four.
Naputol ang six-match winning run ng Crossovers sa 22-25, 26-24, 20-25, 16-25 loss sa undefeated Cool Smashers noong nakaraang Martes.
Ang Chery Tiggo ay nasa ikatlong puwesto na may 8-2 record, isang laro ang angat sa fourth-running Cignal, na sisikaping gawing pormal ang pagpasok sa semifinals sa panalo kontra winless Gerflor sa Martes.