Standings W L
Creamline 4 0
Cignal 3 0
Choco Mucho 3 0
PetroGazz 3 1
PLDT 3 1
Chery Tiggo 2 2
Farm Fresh 2 2
Akari 1 3
Nxled 1 3
Capital1 1 3
Strong Group 0 4
Galeries Tower 0 4
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Farm Fresh vs PetroGazz
6 p.m. – Choco Mucho vs Cignal
MAGSASALPUKAN ang Cignal at Choco Mucho para sa sosyohan sa liderato, habang target ng PetroGazz ang ikatlong sunod na panalo laban sa mapanganib na Farm Fresh side sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Kapwa may 3-0 kartada, ang HD Spikers-Flying Titans encounter ay inaasahang magiging isa sa ‘most intriguing duels’ sa preliminaries.
Ang mananalo sa 6 p.m. match ay sasamahan ang defending champion Creamline, na may perfect 4-0 card, sa ibabaw ng standings.
Kapana-panabik din ang 4 p.m. match sa pagitan ng Angels at ng Foxies.
Makaraang malasap ang heartbreaking five-set loss sa Choco Mucho, ang PetroGazz ay nanalo ng dalawang sunod para sa 3-1 kartada katabla ang PLDT sa fourth place.
Pinalakas pa ng Cignal, pinangungunahan nina seasoned players Ces Molina, Jovelyn Gonzaga, Riri Meneses, Rose Doria at Vanie Gandler at setter Gel Cayuna, ang kanilang defensive backline sa pagkuha sa off-season kay Dawn Catindig.
Ang Flying Titans ay nanatiling mabigat sa likod nina reigning MVP Sisi Rondina, Kat Tolentino, Isa Molde, Cherry Nunag at Maddie Madayag.
Sina Mars Alba at Deanna Wong ay nagsasalitan para sa playmaking chores ng Choco Mucho, depende sa sitwasyon.
Bagama’t ang karanasan ay maaaring magbigay sa PetroGazz ng bahagyang bentahe, ang Farm Fresh ay papasok sa laro na puno ng kumpiyansa kasunod ng stunning 25-23, 25-22, 25-16 win laban sa Chery Tiggo noong Sabado.
Madaling nakapag-adjust si Brooke Van Sickle sa sistema ni Japanese coach Koji Tsuzurabara, nagpakawala ng 23 at 24 points sa kanilang huling dalawang laro.
Gamay na rin ni Jonah Sabete ang bagong sistema ng PetroGazz, habang maasahan din sina Remy Palma, Aiza Pontillas, KC Galdones at Myla Pablo para sa two-time Reinforced Conference champions.