PVL: CHOCO MUCHO, PETROGAZZ NANATILI SA Q’FINAL CONTENTION

Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Capital1 vs Farm Fresh
3 p.m. – Akari vs Nxled
5 p.m. – Cignal vs Galeries Tower

DINISPATSA ng PetroGazz at Choco Mucho ang kani-kanilang katunggali upang manatili sa quarterfinal contention sa pares ng kapana-panabik na Premier Volleyball League Reinforced Conference five-setters kahapon sa Philsports Arena.

Nagbuhos si Cuban Wilma Salas ng 34 points sa 33-of-71 kills at nakakolekta ng 17 digs para sa Angels na ipinoste ang kanilang unang winning streak sa conference, makaraang maungusan ang long-time rival Creamline, 23-25, 19-25, 25-20, 25-23, 15-12, upang tapusin ang four-match winning run ng Cool Smashers’

Matindi ang pangangailangan sa firepower, ni-reactivate ng Choco Mucho si Mean Mendrez, at nag-deliver ang dating University of the East standout sa pagkamada ng 18 points sa starting role nang gapiin ng Flying Titans ang Chery Tiggo, 25-16, 25-11, 23-25, 19-25, 15-12.

Sa kanilang ikalawang sunod na panalo at ikatlo sa kabuuan sa anim na laro, ang PetroGazz ay nasa seventh spot ngayon sa standings.

“It’s huge for the team for sure, confidence booster,” sabi ni Brooke Van Sickle makaraang magtala ng 24 points at 18 receptions sa two-hour, 44-minute dogfight sa Cool Smashers. “It’s staying optimistic. It’s not how about to start but how about you finish.”

Nakatabla ang walang larong Farm Fresh sa eighth place, ang Choco Mucho ay umangat sa 2-4 record papasok sa All-Filipino Conference Finals rematch sa Creamline sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

Samantala, nahulog ang Creamline at Chery Tiggo sa 4-2 katabla ang Capital1. Ang dalawang koponan ay maghihintay ng isa pang matchday upang ipormalisa ang kanilang pagpasok sa quarters.

Ang Akari at Cignal ay pasok na sa quarterfinals na may 6-0 at 5-1 kartada, ayon sa pagkakasunod.
Masaya si Greek Zoi Faki, nagtala ng 10 points, kabilang ang 3 blocks, 9 digs at 8 receptions, na makita ang pag-angat ng Flying Titans upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa top 8.

“It was a great test. We’ve lost two five-set games in the first round, but this win showed our work ethic in practice. I’m so proud of my team,” sabi ni Faki.