PVL: CHOCO MUCHO SALO SA NO. 2

Mga laro bukas:

(Philsports Arena)

12 noon – Gerflor vs F2 Logistics

2 p.m. – Galeries Tower vs PLDT

4 p.m. – Nxled vs Chery Tiggo

6 p.m. – Creamline vs PetroGazz

NAHILA ng Choco Mucho ang winning run nito sa apat na laro kasunod ng 25-11, 25-20, 25-19 panalo laban sa Nxled sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena.

Naniniwala si Deanna Wong, gumawa ng 20 excellent sets sa panalo, na kayang mapagtagumpayan ng , Flying Titans ang mga hamong kanilang kinakaharap.

Makaraang matalo sa conference opener sa Creamline noong nakaraang Oct. 15, ang Choco Mucho ay hindi pa natatalo sa set, at umangay sa ikalawang puwesto kasalo ang PetroGazz, PLDT at Chery Tiggo.

“I think things are really working for us – the system, teamwork and having each other’s back,” sabi ni Wong. “Game by game, we’re getting there. But there’s still a lot to improve, to work on.”

Sa ikalawang laro, nalusutan ng F2 Logistics ang matikas na pakikihamok ng Farm Fresh, 28-26, 20-25, 25-23, 23-25, 15-8, upang umangat sa 3-2 record.

Nanguna si Sisi Rondina para sa Flying Titans na may  16 points, kabilang ang 2 blocks, 12 digs at 7 receptions, habang nagpakawala si Molde, na naging  starter  makaraang hindi ipasok sa kanilang huling laro, ng 9 kills af nagtala ng 6 receptions.

“Lagi naman pinapaalala ni coach Dante (Alinsunurin) sa mga players na importante ‘yung sistema,” wika ni Choco Mucho assistant coach Jessie Lopez sa post-match interview.

“Kailangan namin mag-adjust sa lahat ng sitwasyon, every set kasi siempre iba’t-iba ang kalaban, iba’t-iba ang kilos. Doon pumapasok yung scouting at pina-paaral talaga ni coach (Dante) kung sino ang makakalaban namin sa susunod,” dagdag pa niya.