Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
2 p.m. – Galeries Tower vs Strong Group
4 p.m. – Farm Fresh vs PLDT
6 p.m. – Akari vs Choco Mucho
IPAGPAPATULOY ng PLDT at Choco Mucho, naharap sa kapana-panabik na five-set battle noong Martes, ang kanilang semifinal campaign laban sa mga katunggaling nais palakasin ang kanilang sariling kampanya sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo.
Nasayang ng High Speed Hitters ang 2-0 set advantage subalit nagawang makabawi at kunin ang nail-biting victory sa decider, makaraang maungusan ang Flying Titans, 25-20, 25-12, 23-25, 11-25, 15-13.
Pinutol ng PLDT ang four-match run ng Choco Mucho at lumikha ng five-way logjam sa ibabaw ng standings.
Sa kabila ng pagbangon ng Creamline sa pamamagitan ng straight-set romp sa Capital1 noong Huwebes, at nabawi ang solo lead sa 5-1 matapos ang naunang pagkatalo sa Chery Tiggo, ang semis race ay nananatiling dikdikan kung saan anim na koponan ang magkakadikit.
Subalit may kakayahan ang Farm Fresh at Akari, may 2-3 records sa joint seventh, na manorpresa. Makakasagupa ng Foxies at Chargers ang High Speed Hitters at Flying Titans sa alas-4 ng hapon at alas-6 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.
Angat ang PLDT at Choco Mucho kontra Farm Fresh at Akari pagdating sa papel at karanasan, subalit hindi maiaalis ang reversals sa harap ng competitive nature ng liga.
Pangungunahan ni Fil-Canadian Savi Davison, third sa top scorers ng liga, ang High Speed Hitters laban sa Foxies side na pinamumunuan ni Trisha Tubu.
Asahan na ipagpapatuloy ni Sisi Rondina ang kanyang high scoring ways kontra fellow Cebuana Grethcel Soltones, ang main offensive weapon ng Chargers.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay maghaharap ang Galeries Tower at Strong Group Athletics, kung saan asam ng Highrisers ang ikalawang panalo sa anim na laro.