Standings W L
Pool A
Creamline 3 1
PLDT 3 1
Chery Tiggo 3 1
Farm Fresh 2 2
Nxled 1 3
Galeries Tower 0 4
Pool B
Cignal 4 0
Akari 4 0
Capital1 2 2
Choco Mucho 1 3
PetroGazz 1 3
ZUS Coffee 0 4
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Akari vs Cignal
3 p.m. – Capital1
vs ZUS Coffee
5 p.m. – Choco Mucho vs PetroGazz
KAPWA nakakuha na ng puwesto sa second round sa Pool B, maghaharap ang Cignal at Akari sa showdown ng unbeaten squads sa layuning mapalakas ang kanilang momentum at kumpiyansa papasok sa crucial crossover round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.
Ang 1 p.m. contest sa Philsports Arena ay inaasahang magiging mahigpitan dahil ang HD Spikers at Chargers ay walang talo sa apat na laro.
Ang Cignal, kasalukuyang tangan ang tiebreaker para sa No. 1 ranking, ay sasandal sa kanilang karanasan sa pangunguna ni Venezuela’s MJ Perez habang ang Akari, pamumunuan ni American Oly Okaro, ay masidhi ang pagnanais na maipagpatuloy ang kanilang impresibong run.
Target ng Capital1, sa 2-2 ay nahigitan na ang kanilang one-win output noong nakaraang conference, na makapuwesto sa top three ng Pool B sa pagsagupa sa ZUS Coffee, na wala pang panalo sa apat na laro, sa alas-3 ng hapon.
Kinilala ni HD Spikers coach Shaq delos Santos ang dalawang panalo ng Chargers via reverse sweep sa kanilang undefeated run, ang pinakamagandang simula sa club history.
“Yung performance ng Akari pag titignan namin ng normal parang relax lang maglaro pero pagdating ng dulo dalawang games sila nagreverse sweep so ‘di madaling gawin yun kailangan paghandaan and pag-aralan and maximize yung strength ng team namin,” sabi ni Delos Santos.
Papasok ang Cignal sa Pool B finale na mataas ang morale kasunod ng record-setting, three-set victory kontra defending champion PetroGazz, league milestone para sa fewest errors sa isang laro na may anim lamang.
Malaki ang improvement ng Solar Spikers, sa pangunguna ni Russian Marina Tushova na nagpakawala ng bagong league all-time scoring record na 45 points noong nakaraang Huwebes, mula sa kanilang performance noong nakaraang conference, salamat din kina setter Iris Tolenada at rookie libero Roma Mae Doromal.
Ginulantang ng Capital1 ang PetroGazz sa straight sets at naitala ang five-set reversal sa Choco Mucho.