PVL: CIGNAL, AKARI HIHIGPITAN ANG KAPIT SA LIDERATO

Standings W L
Pool A
Chery Tiggo 2 0
PLDT 2 0
Creamline 1 1
Nxled 1 1
Galeries Tower 0 2
Farm Fresh 0 2

Pool B
Cignal 2 0
Akari 2 0
Capital1 1 1
PetroGazz 1 1
Choco Mucho 0 2
ZUS Coffee 0 2

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Cignal
vs Capital1
3 p.m. – Akari
vs PetroGazz
5 p.m. – ZUS Coffee
vs Choco Mucho

TARGET ng Pool B leaders Cignal at Akari ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Capital1 at PetroGazz, ayon sa pagkakasunod, sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong Sabado sa Philsports Arena.

Susubukan ng HD Spikers ang lakas ng Solar Spikers na ginulantang ang two-time champion Angels noong Martes, sa ala-1 ng hapon.

Hindi nagpadaig ang Chargers, na determinadong burahin ang kanilang also-ran image ngayong conference.

Nakahanda ang Akari, nagtala ng reverse sweep sa Choco Mucho para sa kanilang unang panalo kontra two-time All-Filipino second placers magmula noong 2022, sa pagresbak ng PetroGazz sa alas-3 ng hapon.

Binigyang-diin ni coach Shaq delos Santos ang pangangailangan na maging consistent ang kanyang tropa.

“So ‘yung attacks lang namin and siguro more on ‘yung communication ng setter to attacker na kailangan maging mas aggressive kami. So kailangan mas ma-control pa namin yun. And mas maging aggressive and focus namin sa attack namin,” sabi ni Delos Santos

Kinailangang kumayod nang husto ang Cignal bago naitakas ang four-set win laban sa ZUS Coffee upang manatiling walang talo.

“Definitely, for our next opponent, we have to play more aggressively, play more consistently and enjoy the game more,” sabi ni HD Spikers’ reinforcement MJ Perez.

Batid ni coach Taka Minowa na sasandal ang Angels sa opensa kina Brooke Van Sickle at Cuban Wilma Salas.

“Against Petro Gazz, they have two strong outside hitters, so you have to be patient for broken defense, because they’re really strong, and most players can pass and hit,” anang Japanese mentor.

Si Oly Okaro, umiskor ng season-high tying 38 points kontra Flying Titans, ang magiging main weapons ng Chargers.

“But to our advantage, we have Oly, and can also hit with Brooke. Brooke is also good, so we want it to be a good game,” ani Minowa.

Sisikapin ng Choco Mucho at ZUS Coffee na makapasok sa win column sa huling laro ng Saturday tripleheader sa alas-5 ng hapon.