Mga laro bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – Farm Fresh vs Strong Group
6 p.m. – Creamline vs Choco Mucho
INILAGAY ng PetroGazz ang Cignal sa bingit ng pagkakasibak sa 25-13, 25-18, 25-17 panalo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena.
Naitala ng Angels ang ika-7 panalo sa siyam na laro upang manatili sa Final Four range.
Tabla na ngayon ang PetroGazz sa defending champion Creamline, na makakaharap ang league-leading Choco Mucho bukas sa a blockbuster match-up na may malaking implikasyon sa semifinals race.
Ang Angels ay nanalo ng tatlong sunod, kabilang ang five-set conquest sa Cool Smashers noong nakaraang April 6.
Mas madali ang tatahaking daan ng PetroGazz sa Final Four dahil magagaan na ang mga susunod nitong kalaban — Galeries Tower sa Sabado at Nxled sa April 27 upang tapusin ang kanilang preliminary round schedule.
Nanguna si Jonah Sabete para sa Angels na may 16 points,kabilang ang 2 blocks, at 12 digs habang nagpakawala si Brooke Van Sickle ng 13 kills, nagtala ng match-best 4 blocks at nakakolekta ng digs. Gumawa si Djanel Cheng ng 12 excellent sets habang nagtala si libero Blove Barbon ng 10 receptions.
“Mas lumilinaw po ang daan papunta sa semis po so… pero hindi pa rin naman tapos ang eliminations, hindi po puwedeng mag-relax or parang magbandying-bandying lang. Kailangan po naming matapos ng maayos ang eliminations and then after noon, tignan natin kung saan kami aabutin,” sabi ni PetroGazz skipper Remy Palma, na nag-ambag ng 8 points.
Nanganganib ngayon ang HD Spikers na hindi makapasok sa semis sa ika-4 na kabiguan sa siyam na laro.
Susunod na makakasagupa ng Cignal ang PLDT, bago tapusin ang kanilang prelims sa laro kontra Capital1 sa April 27.
Umiskor sina Vanie Gandler at Ces Molina ng tig-8 points para sa HD Spikers.