PVL: COOL SMASHERS LALAPIT SA SEMIS

Mga laro ngayon:

(Cagayan de Oro Interna­tional Convention Center)

4 p.m. – Gerflor vs Akari

6 p.m. – PLDT vs Cream­line

SISIKAPIN ng Cream­line na makalapit sa pag­kopo ng isang puwesto sa semifinals sa pagharap sa PLDT sa Premier Vol­leyball League Second All-Filipino Conference ngayon sa Cagayan de Oro International Con­vention Center.

Ang Cool Smashers at High Speed Hitters ay magsasagupa sa City of Golden Friendship sa alas- 6 ng gabi.

Target ang pambihi­rang sweep sa dalawang All-Filipino crowns na na­kataya sa season, magaan na dinispatsa ng Cream­line ang F2 Logistics, 25- 21, 25-19, 25-16, upang manatili sa liderato na may 6-0 record at tanging unbeaten team sa confer­ence.

Kabaligtaran nito, nalasap ng PLDT ang 25- 14, 20-25, 26-28, 19-25 pagkatalo sa Chery Tiggo noong nakaraang weekend upang mahulog sa fifth place sa 5-2.

Nasa likuran ng joint second placers Choco Mu­cho at Chery Tiggo sa 6-1 at No. 4 Cignal (6-2) na kumakatok sa Final Four, ang CDO encounter ay ‘must-win’ para sa PLDT.

Makaraang maharap sa magaan na iskedyul sa five-match winning run, ang High Speed Hitters ay kailangan ngayong mag-level up laban sa top contenders ng liga. Mata­pos ang Cool Smashers, ang High Speed Hitters ay mapapalaban sa Flying Ti­tans sa Nov. 23, makaka­bangga ang Cargo Movers sa Nov. 30, bago harapin ang PetroGazz sa Dec. 5.