PASOK ang palo ni Bernadette Pons ng Creamline sa harap ng depensa ng Capital1 players sa kanilang laro sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference preliminaries kahapon sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro bukas:
(Ynares Center Antipolo)
2 p.m. – SGA vs Galeries
4 p.m. – PLDT vs Farm Fresh
6 p.m. – Choco Mucho vs Akari
WINALIS ng Creamline ang Capital1. 25-18, 25-14, 25-15, sa isang malaking bounce-back win kasunod ng pagkatalo sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference prelims nitong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.
Ang panalo, ang kanilang ika-5 sa anim na laro, ay nagbalik sa Cool Smashers sa ibabaw ng standings.
Humataw si Tots Carlos ng 14 points, kabilang ang12 kills, habang impresibong napanatili ang 60 percent attack efficiency.
Sa kabila ng kanyang standout performance, inamin ng UP stalwart na may multiple PVL MVP trophies ang pagkadismaya ng koponan sa kanilang nakaraang pagkatalo, na hindi lamang pumutol sa kanilang streak kundi nagpahigpit din sa leaderboard race.
Nahulog ang Capital1 sa 1-5. Tumapos si Bernadette Pons na may 7 markers habang nag-ambag sina Jema Galanza, Alyssa Valdez at Michele Gumabao ng tig-5 points at nagdagdag sina Pangs Panaga at Risa Sato ng tig-4 points para sa Creamline, na hindi gaanong nalamangan ang Capital1 sa attack points, 35-30.
Subalit nakontrol ng Cool Smashers ang net, nagprodyus ng 8 blocks laban sa 4 ng kalaban, at sinamantala ang shaky service reception ng Solar Spikers upang magtala ng 8 aces. Nakakuha rin sila ng 24 points mula sa miscues ng katunggali habang nagbigay ng sarili nilang 13 Susunod na makakaharap ng Creamline ang Cignal sa Martes bago sagupain ang Petro Gazz sa Abril 6.