Standings W L
Akari 7 0
Cignal 6 1
PLDT 5 1
Creamline 4 2
Chery Tiggo 4 2
Capital1 4 3
PetroGazz 3 3
Farm Fresh 3 4
Choco Mucho 2 4
Nxled 1 6
ZUS Coffee 0 6
Galeries Tower 0 7
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
1 p.m. – ZUS Coffee
vs Chery Tiggo
3 p.m. – PetroGazz
vs PLDT
5 p.m. – Choco Mucho vs Creamline
MAGSASALPUKAN ang Creamline at Choco Mucho, nagharap sa huling dalawang All-Filipino Finals, sa unang pagkakataon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference, na inaasahang aakit ng sellout crowd sa Mall of Asia Arena ngayong Sabado.
Ang 5 p.m. encounter ay krusyal kapwa para sa Cool Smashers at Flying Titans, sa pag-usad sa quarterfinals.
May 4-2 record sa joint fourth, ang Creamline ay kailangan lamang ng isang panalo upang makakuha ng puwesto sa susunod na round.
Nasa labas ng top eight range na may 2-4 record, kailangan ng Choco Mucho na walisin ang kanilang huling dalawang laro, hanggang maaari ay sa convincing fashion, at umasang ang koponan na magtatapos sa eighth sa preliminaries ay hindi makakaapat na panalo upang maiwasang matalo via tiebreaker.
Sa iba pang laro, umaasa ang Chery Tiggo na mapormalisa ang kanilang pagpasok sa quarters laban sa also-ran ZUS Coffee sa ala-1 ng hapon, habang hangad ng defending champion PetroGazz na palakasin ang kanilang kampanya na umabante sa susunod na round laban sa early quarterfinalist PLDT sa alas-at 3 p.m.
Ang Crossovers na kasalukuyang tabla sa Cool Smashers sa fourth place na may 4-2 kartada, ay nangangailangan din ng isang panalo upang makaiwas sa kumplikasyon.
May 5-1 marka, ang High Speed Hitters ay naghahangad na matikas na tapusin ang prelims papasok sa knockout quarters.
Ang PLDT ay nasa ikatlong puwesto sa likod ng unbeaten Akari (7-0) at Cignal (6-1), kung saan ang final preliminary round positioning ay reresolbahin ng tatlong koponan.
Kilala sa kanilang malakas na fan bases, ang Creamline at Choco Mucho ay magsasagupa matapos ang kanilang huling All-Filipino title encounter na umakit ng 23,162 crowd sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Mayo 12.
Gayunman, nahaharap sila sa matinding hamon dahil sa kawalan ng kanilang key players.
Ang commitment ng Alas Pilipinas sa international friendlies ay nangangahulugan na patuloy na maglalaro ang Creamline na wala sina star players Tots Carlos at Jema Galanza.
Maglalaro naman ang Flying Titans na wala sina Sisi Rondina at top middle blocker Cherry Nunag.
Nakatutok ang lahat sa Angels, na matapos ang disappointing 1-3 start ay nanalo sa kanilang huling dalawang laro. Ang panalo ay magtutulak sa PetroGazz sa tie sa walang larong Capital1 sa 4-3.