PVL: CREAMLINE LIGWAK SA CHOCO MUCHO

LUSOT ang tira ni Alyssa Valdez ng Creamline laban kina Cherry Nunag at Honey Tubino ng Choco Mucho sa kanilang laro sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference semifinals kahapon sa Philsports Arena. Kuha ni RUDY ESPERAS

Mga laro bukas:
(Philsports Arena)

4 p.m. – Creamline vs PetroGazz

6 p.m. – Choco Mucho vs Chery Tiggo

SA UNANG pagkakataon ay tinalo ng Choco Mucho ang sister team Creamline,13-25, 19-25, 25-21, 25-20, 18-16, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference semifinals kagabi sa harap ng 6,407 fans sa  Philsports Arena.

Sa panalo ay tinapos ng  Choco Mucho ang kanilang 12-match losing streak laban sa Creamline mula pa sa 2019 season.

“Sobrang thankful at nakuha namin ang panalo,” sabi ni Flying Titans coach Dante Alinsunurin.

Sa kabila ng five-set loss, ang back-to-back title-seeking Cool Smashers ay may pag-asa pa, kapag nanalo sila sa kanilang huling dalawang laro sa  three-four sets upang makakolekta ng 7 points at sumulong sa tiebreaker sa pagtatapos ng semifinals.

Ang Choco Mucho, na natalo sa Creamline sa All-Filipino Conference Finals noong nakaraang taon, ay nabigo sa defending champions sa preliminaries noong nakaraang April 18.

Ang Flying Titans ay naghahabol ng dalawang sets laban saTots Carlos-less Cool Smashers at abot-kamay na ang panalo nang humabol ang Flying Titans sa pangunguna nina Sisi Rondina, Royse Tubino, Maddie Madayag at setter Mars Alba.

“Tiwala, puso,” sabi ni Rondina. “Credits talaga sa pinasok ni coach (Alinsunurin) na nag-step up talaga.”

Nagtala si Rondina ng 23 points, kabilang ang isang block at isang service ace, at 14 receptions, nag-ambag si Tubino, isang key Choco Mucho off-season signee, ng 20 points at 12 digs habang nagdagdag si Isa Molde ng 12 points, kabilang ang 4  blocks.

Humataw si Madayag ng 7 blocks upang tumapos na may 8 points, habang gumawa si Alba, na pumasok bilang second set substitute, ng 10 excellent sets at nagpakawala ng isang service ace.

Nanguna si Jema Galanza para sa Creamline na may 23 points, kabilang ang 3  service aces, 13 digs at 18 receptions, habang nag-ambag si Alyssa Valdez ng 21 points sa 20-of-48 kills.