Standings
Group A W L
Creamline 3 0
Chery Tiggo 2 1
PLDT 1 1
Gerflor 0 2
Akari 0 2
Group B
F2 Logistics 3 1
PetroGazz 3 1
Choco Mucho 2 1
Cignal 2 1
Foton 0 3
Farm Fresh 0 3
Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
9:30 a.m. – Foton vs Farm Fresh
12 noon – PLDT vs Gerflor
4 p.m. – Akari vs Creamline
6:30 p.m. – PetroGazz vs Choco Mucho
WINALIS ng Creamline ang PLDT, 25-21, 25-20, 25-21, upang makopo ang unang semifinals berth sa Premier Volleyball League Invitational Conference kagabi sa Philsports Arena.
Humataw si Tots Carlos ng 22 points, kabilang ang 3 service aces at 2 blocks, at 8 receptions para sa Cool Smashers na nahila ang kanilang perfect run sa tatlong laro sa Pool A at hindi pa natatalo sa set sa torneo.
Target ang ikalawang sunod na Invitational crown, sinamahan ng Creamline ang foreign guest teams Japan’s Kurashiki Ablaze at Vietnam’s Kinh Bac Bac Ninh sa susunod na round.
Nauna rito, nagpasabog si Grethcel Soltones ng 31 points upang pangunahan ang PetroGazz sa 20-25, 25-22, 25-12, 33-35, 15-9 panalo kontra F2 Logistics at makisalo sa liderato sa Pool B.
Naitala ng Chery Tiggo ang back-to-back Pool A wins at kinuha ang solo second sa 25-19, 25-20, 25-18 sweep sa Gerflor.
Gumawa si Jema Galanza ng 2 service aces para sa 12-point effort at nakakolekta ng 6 digs habang si Alyssa Valdez ang isa pang Cool Smasher sa double digits na may 11 points na sinamahan ng 8 digs.
Tumipa si Mean Mendrez, nasa kanyang conference debut makaraang lumiban sa opener dahil sa injury, ng 10 points habang tumapos si Jovie Prado, lumisan sa second set matapos ang masamang pagbagsak, na may 9 points para sa High Speed Hitters na nahulog sa 1-1.
Tumabla ang PetroGazz sa F2 Logistics, na nabigong masundan ang five-set victory kontra Choco Mucho noong Martes, sa first place sa kanilang bracket sa 3-1.
Si Soltones ay may solid outing na may 26 attacks at napantayan ang 4 blocks at 1 service ace ni KC Galdones, at nagpamalas ng pagiging kalmado sa ilang mainit na sandali ng three-hour, 25-minute contest.
Kuminang din si Jonah Sabete para sa Angels na may 20 points, kumana si Aiza Maizo-Pontillas ng 15 points at 18 digs, habang nagdagdag si Remy Palma ng 12 points. Gumawa si setter Djanel Cheng ng 17 excellent sets habang nagtala si libero Cienne Cruz ng 23 receptions at 19 digs.
“It’s a total team effort, so malaking factor ito para sa amin to gain the momentum and gain the trust that we need,” sabi ni coach Oliver Almadro. “I’ve been telling them that people will count us out but I also told them that everything comes together for good.”
Gumawa si Majoy Baron ng 5 blocks para sa 16-point outing, kumana si Ivy Lacsina ng 15 digs habang nag-ambag sina Kim Kianna Dy at Jolina dela Cruz ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Cargo Movers. Kumamada si Dawn Macandili, nagningning sa paghila sa laro para sa F2 Logistics, ng 26 digs at 12 receptions.