Mga laro bukas:
Games tomorrow
(Philsports Arena)
4 p.m. – PetroGazz vs Akari
6:30 p.m. – Choco Mucho vs Chery Tiggo
WINALIS ng Creamline ang PLDT, 25-21, 25-20, 25-17, upang kunin ang unang semifinals berth sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena.
Kumana si Tots Carlos ng 18 points, kabilang ang 2 service aces, 14 receptions at 7 digs, habang nag-ambag si Ced Domingo ng 17 points para sa Cool Smashers.
Nanalasa rin si Jema Galanza para sa Creamline na may 11points, 11 receptions at 7 digs, habang gumawa si Jia de Guzman ng 20 excellent sets.
Sa kabila ng pagkawala ni Alyssa Valdez, nagawang makamit ng Cool Smashers ang kanilang initial goal na makausad sa Final Four.
“Siyempre happy kami at nakapasok ulit kami sa semifinals. Ma-improve pa sana yung mga next game namin specially sa semifinals kasi back to zero na yung ano dun e, so thank you at nakapasok kami ulit,” sabi ni Creamline coach Sherwin Meneses.
Sa pagkatalo ay naputol ang four-match winning run ng High Speed Hitters, subalit nanatili sila sa top four range.
Nanguna si Mich Morente para sa PLDT na may 12 points, kabilang ang 4 blocks habang nagdagdag sj Mika Reyes ng 11 kills.