PVL: CREAMLINE SA SEMIS

UMUSAD ang Creamline Cool Smashers sa semifinals ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) makaraang sibakin ang defending champions Chery Tiggo, Lunes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Naitarak ng Cool Smashers ang 25-18, 25-14, 23-25, 25-19 panalo upang tapusin ang title defense ng Crossovers, at maiganti ang pagkatalo sa finals noong nakaraang taon.

Makaraang pangunahan ang  Pool B na may 3-0 record, ang Creamline ay may twice-to-beat edge at kinailangan lamang na manalo ng isang beses para makausad sa best-of-3 semifinals.

Makakasagupa nila ang magwawagi sa They quarterfinals match-up sa pagitan ng Choco Mucho at  PLDT.

Samantala, nahulog ang Chery Tiggo sa classification phase.