Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Galeries Tower vs Chery Tiggo
6:30 p.m. – Cignal vs PetroGazz
KINAILANGAN ng defending champion Creamline ng limang sets upang pataubin ang ZUS Coffee, 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Philsports Arena.
Nagbanta ang vastly-improved Thunderbelles sa Cool Smashers bago kinapos na maitala ang pinakamalaking upset sa torneo.
Nahila ng Creamline, nakumpleto ang pambihirang Grand Slam ngayong taon, ang kanilang undefeated streak sa apat na laro upang makatabla ang Cignal sa ibabaw ng standings.
“ZUS Coffee brought their A-game today. They played so well and we are just very happy and blessed,” pahayag ni Alyssa Valdez, na tumapos na may 17 points sa 16-of-36 kills.
“It was anybody’s ballgame in the fifth set but luckily, we got it,” dagdag pa niya.
Napantayan ni Bernadeth Pons ang scoring output ni Valdez sa 16-of-40 spikes at may 11 receptions habang nagdagdag si Jema Galanza ng 15 points, kabilang ang go-ahead kill na nagbigay sa Cool Smashers ng 14-13 lead, 12 digs at 12 receptions.
Si Michele Gumabao ang isa pang Creamline player sa double digits na may 14 points.
Ang Cool Smashers ang makapagpapatunay na ang Thunderbelles ay hindi pushovers matapos ang two-hour 27-minute match.
“More than anything, I saw their grit. They won’t go down without a fight talaga,” sabi ni Valdez.
“As a young team tapos sasamahan ng ibang veterans, I think ang ganda ng combination nila sa buong ZUS Coffee right now,” dagdag pa niya.
Nanguna si Kate Santiago para sa ZUS Coffee na may 19 points, kabilang ang 5 blocks, at 14 receptions, habang umiskor si Thea Gagate, ang top rookie pick sa draft ngayong taon, ng 15 points, kabilang ang 2 blocks.
Nag-ambag si Chai Troncoso ng 13 points, nagtala si Jovelyn Gonzaga ng 11 points at 11 digs, habang umiskor din si Gamit ng 11 points.