PVL: DES CHENG ‘OUT’ SA BUONG SEASON DAHIL SA ACL INJURY

Standings W L
PetroGazz 3 0
Creamline 3 0
Akari 3 1
F2 Logistics 2 1
PLDT2 1
Chery Tiggo 2 1
Choco Mucho 2 1
Nxled 1 2
Cignal 1 2
Galeries Tower 0 3
Gerflor 0 3
Farm Fresh 0 4

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Chery Tiggo vs Gerflor
4 p.m. – Farm Fresh vs Creamline
6 p.m. – Cignal vs Akari

MAWAWALA si open spiker Des Cheng ng Choco Mucho sa nalalabing bahagi ng Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference dahil sa ACL injury.

Si Cheng ay nagtamo ng right knee injury sa second set ng 25-21, 25-19, 25-18 panalo ng Flying Titans kontra Cignal noong nakaraang Huwebes sa Ynares Center sa Antipolo City.

“After careful review of her MRI results, our doctors have diagnosed that it is an ACL tear that require surgery and rehabilitation,” pahayag ng Choco Mucho sa isang statement na inilabas noong Sabado.

“Management will ensure that Des is given the best possible treatment and medical care in order to get in fighting form,” dagdag pa ng koponan.

Nalagpasan ni Cheng ang mga paghi- hirap makaraang matamo ang kanyang unang ACL injury sa isang off-season game habang naglalaro para sa La Salle noong 2015, dahilan para mawala siya sa buong UAAP Season 78.

Umaasa ang Flying Titans na malagpasan ni Cheng ang hindi magan- dang kabanatang ito sa kanyang career. Sa ilalim ni coach Dante Alinsunurin, si Cheng ay regular starter para sa Choco Mucho.

“The team is saddened over this development, but is hopeful for a safe return,” ayon sa koponan. Si Isa Molde, pinunan ang butas na iniwan ni Cheng, na tumapos na may 11 points sa straight set win ng Flying Titans sa HD Spikers, ay inaasahang magiging isa sa starting open spikers ng koponan kasama si Sisi Rondina.