PVL: ELIMS WINALIS NG LADY FALCONS, TIGRESSES

PVL

NAGTALA ang Adamson University at University of Santo Tomas ng contrasting victories upang makumpleto ang elimination round sweeps sa kani-kanilang grupo sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre. Kumarera ang semifinals-bound Lady Falcons sa 25-13, 25-23, 25-13 panalo laban sa ­Letran sa Group A habang nalusutan ng Tigresses ang matikas na pakikihamok ng Arellano University, 25-21, 25-23, 22-25, 25-23, sa Group B upang tapusin ang elims na may 5-0 kartada.

Tumapos sina Trisha Genesis at Ceasa Pinar na may tig-13 points at nagsanib-puwersa para sa 21 sa 37 attack points ng Adamson.  Muling nagpakitang-gilas si setter Louie Romero sa pagbibigay ng 27 excellent sets at nagdagdag ng 3 points para sa Lady Falcons.

Subalit sa kabila ng straight sets win ay naniniwala si Adamson coach Lerma Giron na marami pang dapat trabahuhin ang  Lady Falcons.

“Binabalanse namin lahat, e. Ayaw namin ilagay sa utak nila na ang galing galing nila. Nasa proseso pa sila, kahit undefeated, kailangan pa ring magtrabaho nang todo,” ani Giron.

Gumawa si Chamberlaine Cunada ng 10 points para sa Lady Knights, na tinapos ang kanilang kampanya na may 1-4 marka.

Samantala, binura ng UST ang 19-21 deficit sa fourth set upang mapigilan ang NCAA champions Lady Chiefs na maipuwersa ang decider.

Nanguna si Eya Laure para sa Espana-based squad na may 20 points mula sa 17 kills, 2 aces at 1 kill block na may 10 digs sa kanyang huling laro para sa UST bago umalis kasama si head coach Kungfu Reyes fly patungong Thailand sa Linggo upang samahan ang national team sa training camp nito at sumabak sa ASEAN Grand Prix sa Nakhon Ratchasima sa Setyembre  20.

Tumapos naman si Kecelyn Galdones na may 13 markers, habang nag-ambag si Janna Torres ng 11 points, kabilang ang game-clinching kill para sa  Tigresses.

Bumagsak ang Lady Chiefs sa 2-3 kartada at tinapos ang kanilang kampanya na may three-game skid.

Sa iba pang Group A match, winalis ng San Beda University ang San Sebastian College, 25-22, 25-16, 25-18, upang umangat sa 3-2 kartada at manatiling buhay ang pag-asa para sa isang puwesto sa semis.

Tinapos ng Lady Stags ang kanilang kampanya na may 1-4 record.

4 thoughts on “PVL: ELIMS WINALIS NG LADY FALCONS, TIGRESSES”

  1. 723481 576780Oh my goodness! an exceptional article dude. Thank you Even so Im experiencing dilemma with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person getting identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 87733

Comments are closed.