PVL: F2 NAKAISA NA

Mga laro bukas:
(Ynares Center)
2 p.m. – Gerflor vs Creamline
4 p.m. – Akari vs Farm Fresh
6 p.m. – Cignal vs Choco Mucho

ANTIPOLO – Sinandigan ni Ivy Lacsina ang F2 Logistics para pumasok sa win column sa 25-20, 25-14, 25-16 pagwalis sa newcomer Nxled sa Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center dito.

Isinalang bilang opposite spiker ni coach Regine Diego, si Lacsina ay kumana ng 15-of-28 attacks at 4-of-7 blocks upang pangunahan ang Cargo Movers sa panalo. Sa ikalawang laro, naitala ng PLDT ang ikalawang sunod na panalo matapos ang conference opening loss sa Cignal sa 25-17, 25-17, 25-20 pagdispatsa sa Farm Fresh. Tubong Angeles City, si Lacsina ay laging handa sa anumang posisyon na ibinibigay sa kanya.

“Siguro, laging meron sa aking room for improvement po. Hindi pa ako nasa-satisfy sa ginagawa ko. Every game, nag-iisip po ako kung ano pa hindi ko nagawa last time na malaki po ang maging tulong ko sa team po,” sabi ni Lacsina.

Nakakolekta si Jolina dela Cruz ng11 points at 11 receptions habang napantayan ni Majoy Baron ang apat na blocks ni Lacsina para sa 10-point outing.

Nakakuha rin ang F2 Logistics ng tig-7 points kina Ara Galang at hometown hero Aby Maraño.

“Happy kasi ito ang pagkukuhanan namin ng motivation at confidence coming to our next games. Sobrang proud ako sa team namin because we were able to work and find the solution and we were able to apply it kung paano mas mag-improve ang team namin from the last loss na medyo hindi naging maganda ang resulta,” sabi ni Maraño.

“We still have a lot of things to work on and we cannot be complacent,” wika ni coach Regine Diego.
Unti-unting kumokonekta kay veteran playmaker Rhea Dimaculangan, si Savannah Davison ay nagtala ng 13 kills para sa 18-point upang pangunahan ang High Speed Hitters.

“Parehas pa kaming nag-aadjust pero kahit paano, nagko-connect na kaming dalawa,” dagdag pa niya.