PVL: F2, PETROGAZZ MAGSASALPUKAN

PETRO GAZZ

Standings W L
*Chery Tiggo 5 0
Creamline 4 0
PetroGazz 2 1
F2 Logistics 2 2
Choco Mucho 2 2
Cignal 1 2
PLDT 1 3
Akari 1 4
UAI-Army 0 4
*semifinalist

Mga laro ngayon:
(Santa Rosa Multipurpose Sports Complex)
2:30 p.m. – Cignal vs Choco Mucho
5:30 p.m. – F2 Logistics vs PetroGazz

UMIINIT ang karera para sa huling dalawang semifinals berths sa all-important Premier Volleyball League Reinforced Conference doubleheader ngayon sa Santa Rosa Multipurpose Sports Complex.

Magsasalpukan ang defending champion PetroGazz at resurgent F2 Logistics sa alas-5:30 ng hapon, matapos ang sagupaan ng struggling squads Choco Mucho at Cignal sa alas-2:30 ng hapon.

Ang Chery Tiggo ang unang koponan na umabante sa semis makaraang gapiin ang United Auctioneers Inc.-Army, 22-25, 25-18, 25-27, 25-18, 15-12, noong Huwebes ng gabi para sa 5-0 record habang ang Creamline, may second-running 4-0 slate, ay isang panalo na lamang ang kailangan para makausad sa susunod na round, isang single-round robin phase. Makakaharap ng Cool Smashers ang Crossovers sa November 5 sa potential clincher sa parehong Laguna venue.

Ang Angels ay nasa third spot na may 2-1kartada, habang ang Cargo Movers at Flying Titans ay tabla sa fourth spot sa 2-2. Tangan ng F2 Logistics ang tiebreaker kontra Choco Mucho sakaling magtapos ang dalawang koponan na No. 4 sa pagwawakas ng preliminaries.

Makaraang manalo sa conference opener, ang HD Spikers ay natalo ng dalawang sunod upang bumagsak sa sixth spot.

Halos kumpleto na ang lakas ng koponan, ang Cargo Movers ay nakarekober mula sa 0-2 simula upang makasama sa semifinals contention.

Ang higit na impresibo sa F2 Logistics ay nagawa nitong maitakas ang straight-set 25-19, 25-22, 25-20 victory kontra PLDT noong nakaraang Martes kahit wala si injured ace hitter Kalei Mau.

Natutuwa si Lindsay Stalzer, ang resident Cargo Movers reinforcement, sa ginagawang paglaban ng kanyang koponan sa kabila na hindi kumpleto ang roster sa unang apat na laro.

“Yeah, but maybe it was a blessing in disguise,” sabi ni Stalzer. “You know, it’s challenging for all of us to step-up. You know, some players are stepping in into different and have to make it work in what we have. So maybe this will be just something that will make us better in a long run and so then we are, when we do have everyone healthy, we will be that much higher on top hopefully.”

Samantala, galing ang PetroGazz sa week-long break matapos ang 25-13, 25-14, 25-20 sweep sa Akari at inaabangan na makaharap ang inspiradong F2 Logistics side.

“It’s definitely gonna be a tough game. I personally love those games and I’m excited to play some of my American girlies. We have to be focused but definitely, it will be an exciting match,” sabi ni Lindsey Vander Weide, ang leading scorer ng Angels.