PVL: F2 SASALO SA UNAHAN

Standings W L
Creamline 5 1
PLDT 4 1
F2 Logistics 4 1
Chery Tiggo 3 2
PetroGazz 2 2
Choco Mucho 2 2
Akari 1 4
Cignal 1 4
Army-Black Mamba 0 5

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Choco Mucho vs Cignal
6:30 p.m. – PetroGazz vs F2 Logistics

MAGSASALPUKAN ang F2 Logistics at PetroGazz sa duelo ng top semifinal contenders habang sisikapin ng Choco Mucho na mapalakas ang kanilang sariling semifinals drive kontra Cignal HD sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.

Habang tatlong koponan ang tila sigurado na para sa coveted slots, tatlong iba pang teams ang nag-aagawan sa huling semis seat.

Handa ang resurgent Cargo Movers para sa no-holds-barred encounter sa Angels sa kanilang 6:30 p.m. faceoff, target na makopo ang ikatlong sunod na panalo at makalapit sa breakthrough semis stint.

Galing ang F2 Logistics, kasalukuyang tabla sa streaking PLDT sa 4-1, sa 23-25, 25-18, 16-25, 25-23, 16-14 reversal kontra Creamline at sa 25-23, 25-20, 25-23 panalo laban sa Cignal noong nakaraang Sabado, na nagbigay sa tropa ni coach Regine Diego ng kinakailangang momentum at kumpiyansa bago ang showdown sa reigning Reinforced Conference champions.

Naniniwala si Diego na unti-unti nang nakakamit ng Cargo Movers ang kanilang initial goal na makapasok sa semifinals.

“Actually, halfway,” sabi ni Diego. “Hopefully, we are on a right track. We are still building na mabawasan yung fatigue. Mina-manage namin iyan. Ayaw namin silang masunog masyado so hopefully tama yung maging timing ng teams at wala nang injuries.”

Umaasa naman ang PetroGazz na makabawi mula sa heart-breaking 25-21, 29-31, 21-25, 25-21, 13-15 setback sa PLDT squad noong nakaraang linggo. Samantala, target ng Flying Titans, katabla ang Angels sa 2-2 sa fourth, na makadalawang sunod sa 4 p.m. showdown sa HD Spikers.