PVL: FARM FRESH NAGPALAKAS

PINALAKAS ng Farm Fresh ang kanilang lineup bago ang PVL season sa pagkuha sa serbisyo nina Alohi Robins-Hardy at Jheck Dionela.

Si Robins-Hardy ay nagbabalik sa Pilipinas at ito ang kanyang kauna-unahang stint sa PVL makaraang maglaro dati para sa Cignal sa defunct Philippine Superliga.

Ang veteran setter ay bahagi rin ng national team na sumabak sa 2019 ASEAN Grand Prix, kung saan tinulungan niya ang mga Pinay sa bronze medal finish.

Magmula noon, ang Filipino-American playmaker ay naglaro na sa ibang bansa, sa Serbian club Zok Spartak Subotica.

“We’re adding height. We’re adding might. Join us in welcoming, a playmaker we missed playing in the local scene, Alohi Robins-Hardy,” pahayag ng Farm Fresh sa isang Facebook post.

Samantala, si Dionela ay isang decorated libero na naglaro rin para sa Cignal sa loob ng 11 taon kung saan naging mahalagang defensive weapon siya para sa HD Spikers.

Ang seasoned libero ay nagwagi ng maraming medalya sa Cignal, kabilang ang silver at bronze medals sa Invitational at Reinforced Conferences sa naunang season.

Ang pagpasok nina Robins-Hardy at Dionela ay nagpalakas sa already-promising lineup ng Farm Fresh na tinatampukan nina Jolina Dela Cruz, Janel Delerio, Louie Romero, Kate Santiago, at Trisha Tubu.