PVL: FINAL 4 KINUMPLETO NG PETRO GAZZ

pvl

Mga laro ngayon:

1 p.m. – BaliPure vs Perlas

4 p.m. – Chery Tiggo vs Choco Mucho

7 p.m. – Cignal HD vs Army

TULUYANG isinara ng Petro Gazz ang pintuan ng semifinals sa Sta. Lucia sa dominanteng 25-13, 25-21, 25-22 panalo Huwebes ng gabi sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Balanseng atake at depensa sa net ang matatag na ibinandila ng Angels tungo sa ika-anim na panalo sa walong laro tungo sa pag-sungkit sa ika-apat na puwesto sa Final Four ng kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.

Tumapos ang Sta. Lucia sa ikalimang puwesto tangan ang 5-4 marka.

Umabante na rin sa Final Four ang Choco Mucho (6-1), Chery Tiggo (6-2) at ang nangungunang Creamline (7-1).

Pinangunahan ni Myla Pablo ang ratsada ng Petro Gazz na kumamada sa spikes, 43-34, at blocks, 10-3, habang naipuwersa ang 18 unforced errors ng Sta’ Lucia para makumpleto ang panalo sa larong umabot ng isang oras at 18 minuto.

Tumapos si Pablo na may 18 puntos, habang kumaldag si Ria Meneses ng 15 puntos, tampok ang apat na blocks. Nag-ambag din sina  Gretchel Soltones, Remy Palma at  Ces Molina.   EDWIN ROLLON

8 thoughts on “PVL: FINAL 4 KINUMPLETO NG PETRO GAZZ”

  1. 272081 757432Heya just wanted to give you a brief heads up and let you know several with the pictures arent loading properly. Im not sure why but I feel its a linking concern. Ive tried it in two different internet browsers and both show exactly the same results. 120092

  2. 227064 996465Generally I dont learn post on blogs, however I wish to say that this write-up really pressured me to try and do it! Your writing taste has been surprised me. Thank you, quite great article. 203286

  3. 3072 424673Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So nice to search out any person with some special thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this web internet site is one thing thats necessary on the net, someone with a bit of originality. beneficial job for bringing something new towards the internet! 331975

Leave a Reply

Your email address will not be published.