Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
2 p.m. – Gerflor vs Cignal
4 p.m. – Galeries Tower vs Creamline
6 p.m. – PLDT vs PetroGazz
PINATAOB ng Nxled ang Farm Fresh, 25-22, 17-25, 25-20, 25-17, at tinapos ang kanilang maiden campaign sa Premier Volleyball League sa joint eighth-place sa Second All-Filipino Conference sa harap ng malaking crowd sa University of San Agustin Gym sa Iloilo kagabi.
Humataw si Camille Victoria ng 17 points, kabilang ang 5 blocks, para sa Chameleons na nagtapos na may 4-7 record.
Ipinakita ang kanyang versatility nang lumipat sa middle blocker mula sa opposite spiker, si Victoria ay nagpahayag ng pasasalamat kay Nxled’s Japanese coach Taka Minowa sa pagkakaloob sa kanya ng pagkakataon na maglaro sa multiple positions.
“I’m thankful to coach (Taka) for giving me the opportunity to help the team by playing two positions,” sabi ni Victoria. “We were so excited (to play) since this is our last game and we really wanted to show what we worked hard for.”
Samantala, tumapos ang Foxies na may 2-9 kartada para sa 10th place sa record 12-team field sa season-ending conference.
Kinilala ni Minowa ang lakas ng Farm Fresh habang binigyang-diin ang pangangailangan na ipagpatuloy ng kanyang batang koponan ang pag-improve at makakuha ng karagdagang eksperyensiya.
“Actually they (Foxies) have good players. We need to do 120 percent, 100 percent isn’t enough for us against Farm Fresh because they’re actually strong,” ani Minowa.
“Our team, they’re still young. They do not have (enough) experience (together) that’s why we need to be more strong,” dagdag pa niya.
Nagdagdag si Lycha Ebon ng 15 points habang umiskor sina Jho Maraguinot at Chiara Permentilla ng tig-12 points para sa Chameleons.
Nanguna si Kate Santiago para sa Farm Fresh na may 15 points at nagtala ng 21 receptions habang nag-ambag si Gayle Pascual ng 12 points