Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Akari vs Cignal
3 p.m. – Capital1
vs ZUS Coffee
5 p.m. – Choco Mucho vs PetroGazz
NAHILA ng Creamline ang kanilang winning streak sa tatlo makaraang malusutan ang hard-fighting Galeries Tower side, 27-25, 26-28, 29-27, 25-19, sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena.
Nahirapan ang Cool Smashers sa Highrisers sa unang tatlong sets na pawang extended bago nadominahan ang fourth upang umangat sa 3-1 sa Pool A.
“Siyempre, No. 1 masaya kami. Happy naman kami at nakuha namin kahit hindi ganoon kadali. Lahat naman ng team, talagang lumalaban. So pinaghandaan namin,” wika ni Creamline coach Sherwin Meneses.
Nauna rito, winalis ng Farm Fresh ang Nxled, 25-16, 25-15, 25-17, upang palakasin ang kanilang kampanya para sa Top 3 finish sa Pool A.
Ni-reset ni Bernadeth Pons ang kanyang PVL career high sa 26-point performance, kabilang ang 3 blocks at 2 service aces at nagtala ng 17 receptions upang suportahan si American Erica Staunton, na umiskor ng 29 points, kabilang ang 3 blocks, at 9 digs.
Sa wakas ay naglaro na si Fil-Canadian libero Aleiah Torres, ang first round overall pick ng Creamline sa PVL Rookie Draft, at nagtala ng 7 receptions.
“It has been really good. I think I had a lots of fun. I just want to bring a lots of good energy and good vibes today. I just had a lot of fun, play carefree. It’s a good thing we won today,” ani Torres.
Nakakolekta si Kyla Atienza, ang starting libero ng Cool Smashers, ng 18 receptions at 15 digs.
Kumana si Colombia’s Yeny Murillo ng 21-of-35 kills upang tumapos na may 22 points at nakakolekta ng 4 digs habang humataw si Trisha Tubu ng 16-of-28 attacks para sa Foxies.
May 2-2 kartada, naiposte ng Farm Fresh ang kanilang unang winning streak sa conference at umaasang matikas na tatapusin ang first round ng preliminaries kontra PLDT sa Huwebes.
Nalasap ng Highrisers, pinangunahan ni Thai Sutadta Chuewulim na may 23 points at 11
digs, ang ika-4 na sunod na kabiguan.